Kilalang aktres kawawa sa bagong dyowa, pinababayaan lang na mahirapan | Bandera

Kilalang aktres kawawa sa bagong dyowa, pinababayaan lang na mahirapan

Reggee Bonoan - May 18, 2016 - 02:00 AM

 

BLIND ITEM  FEMALE 0318

SUPER turn-off ang mga nakakita sa boyfriend ng kilalang aktres noong Lunes sa isang TV network kung saan nagtatrabaho ang dalaga – hindi man lang daw kasi inalalayan ng guy ang girlfriend niya.

Kuwento ng mga nakakitang empleyado ng network at ng mga nag-aabang ng sasakyan sa labas, pinagkaguluhan ng fans si aktres dahil nagpapakuha ito ng litrato habang hinihintay siya sa labas ng gate ng boyfriend niyang pamilyar din ang pangalan sa showbiz.

“Pagkatapos magpa-picture ng fans, tinawag si _____ (name ng aktres) ng dyowa niya na sumakay na sila, pero hindi man lang inalalayan nu’ng guy ang girlfriend niya na hirap na hirap maglakad dahil naka-high heels nga tapos pababa pa ng hagdan.

“Sana man lang sinalubong at inalalayan, e, hindi nauna pang pumasok sa sasakyan si boyfriend kaya nakaka-turn off siya, ha! Mabuti sana kung hindi naka-stiletto ang dyowa niya, e, nakita na niyang hirap maglakad,” detalyadong kuwento sa amin.

Bale ba bossing Ervin, babae’t lalaki ang nagkuwento sa amin, sabi pa nga nu’ng guy na kasama ng kachika namin, “Walang masasabi sa akin ang girlfriend ko, pati pamilya niya kasi gentleman ako. Ha-hahaha!”

Hirit naman ng babaeng kausap namin, “Lalo naman ako, hindi ko type ang mga ganyang lalaki, ‘no?”

Naalala tuloy namin ang komento ng lahat ng taong nakakita kung gaano ka-gentleman si Mayor Rodrigo Duterte na susunod na Pangulo ng bansa, “Sa nasaksikan naming presidentiable at vice presidentiable debates, si Digong ang pinaka-gentleman sa lahat, sunod si Allan (Cayetano), then si Binay (Jejomar) at puwede na rin si Chiz (Escudero).”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending