Hayden, Vicki magkasama na sa isang bahay para kay Scarlett Snow | Bandera

Hayden, Vicki magkasama na sa isang bahay para kay Scarlett Snow

Reggee Bonoan - May 18, 2016 - 02:00 AM

hayden kho at vicky belo

PAGKATAPOS umamin nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho sa pamamagitan ng kanilang Instagram account tungkol sa anak nilang si Scarlett Snow ay nag-post na rin si Direk Quark Henares kahapon bandang alas-onse ng umaga karga ang bunsong kapatid.

Sabi ni direk, “I hear there’s been a revelation #teamsnowybear #scarletsnow #baby#cutebaby #babies #babiesofinstagram.” Sabi namin kay direk Quark, ‘kaya pala baby sister ang sinabi mo sa amin direk’ na sumagot naman niya ng, “O, di ba? Ayan na. Ha-hahaha! Sabi ko maghintay ka lang eh.”

Binanggit namin na kamukha ng mama niya si Scarlett Snow at may anggulong kamukha rin ni Hayden. Sina Hayden at Quark daw ang nakaisip ng pangalang Scarlett Snow. “Kay Hayden ‘yung Scarlett, akin ‘yung Snow. Galing sa Bibliya ‘yan eh. ‘If your soul is Scarlet, I will turn it into Snow, Isaac (Isaiah 1:18)’ ata. Google mo na lang,” masayang sabi ng binatang direktor.

Isang taon at tatlong buwan na raw ang baby sister nina direk Quark at Cristalle Belo Henares kaya matagal na rin bago ito inilabas sa publiko nina Dra. Vicki at Hayden. Filipina ba ang surrogate mother ng bagets? “Kano ang surrogate (mother), sa States ipinanganak kaya siya lang ang kano sa amin!” tumawang sabi ni direk Quark.

Spoiled ba ang bagets sa kanilang dalawa ni Cristalle? “Ayoko ngang i-spoil eh. Mission ko sa buhay siguraduhin na hindi siya lalaking spoiled brat. O, ayan ha, laki na ng scoop mo ‘teh. Ha-hahaha!” Mas malapit daw si Scarlett Snow kay Cristalle, “Mas bonding sila actually since nakatira sa bahay si Cristalle. Love na love niya yan,” say pa ng direktor.

Naisip ba nilang dalawa ni Cristalle na magkakaroon pa sila ng kapatid? “Never ever. Ha-hahaha! So, medyo nakakagulat ‘to!” sagot ni Quark. Magkasama na ba sina Dra. Vicki at Hayden sa iisang bahay since may anak na sila o umuuwi pa rin ang huli sa bahay niya? “Wala naman ako sa bahay, so, oks na rin. Life goes on,” mabilis na sabi ni direk Quark. Sa madaling salita, magkasama na nga sa iisang bahay ang magulang ni Scarlett Snow na dapat lang naman para pareho nilang matutukan ang kanilang baby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending