Arjo Atayde tinupad ang matagal ng pangako sa bunsong kapatid | Bandera

Arjo Atayde tinupad ang matagal ng pangako sa bunsong kapatid

Reggee Bonoan - May 09, 2016 - 02:00 AM

arjo atayde

TUWANG-TUWA si Sylvia Sanchez sa panganay niyang anak na si Arjo Atayde dahil nakahanap na rin ito ng free time para makipag-bonding sa bunso nitong kapatid.

“Brother bonding!! After the bowling date of Xavikok (tawag ni Ibyang sa bunso niya) with his kuya @arjoatayde, when they came home, Xavi went straight to my room n shouted I love kuya Arjo, I had fun, I’m happy mom! priceless huh!

“Thank u kuya Arjo for spending time wd Xavikok ang yabang yabang ni Xavi na nagsabing I won by 9points over kuya ha ha ha! ang bata nga naman ang bilis i-please at ang sarap kasama nakapaglakwatsa kasi walang taping si kuya,” ang mensaheng ipinost ni Sylvia sa kanyang Instagram account kamakailan.

Walang taping si Arjo ng FPJ’s Ang Probinsyano kamakailan kaya nagkaroon sila ng time para maka-bonding ang bunso niyang kapatid na si Xavi.May kuwento pala sa likod ng brother’s bonding na ito nina Arjo at Xavi, base sa kuwento ni Ibyang ay matagal ng may pangako ang aktor sa bunsong kapatid na la-labas sila at maglalaro ng bowling.

Asang-asa naman daw ang bagets at kapag nag-set na si Arjo ng araw at oras ay bigla namang naka-cancel bagay na ikinatatampo pala ni Xavi pero hindi raw ito nalalaman ng aktor. Sabi ni Ibyang nagulat na lang daw siya nang magsabi ang bunsong anak niya ng, “I hate kuya Arjo, I don’t like him anymore. He always make promises and always broken. I don’t like him na.” At nabanggit nga ito ng aktres sa panganay niya kaya raw nu’ng nagkaroon ng bakanteng araw sa taping ng aksyon-serye ni Coco Martin ay kaagad niyang inilabas ang kapatid.

Kuwento pa ng nanay ng magkapatid, “Ayaw na ayaw ni Xavi na natatalo siya kaya nu’ng sinabi ni Arjo na talo si Xavi, nagmaktol kaya binawi ni Arjo, ‘no you won’ at hayun nagtatatalon sa tuwa si Xavi. Pagdating nga rito sa bahay, ang yabang-yabang at sabi nga niya tinalo niya kuya niya sa bowling. Tinanong ko nga si Yaya kung totoo, hindi naman daw.”

Saksi kami kung gaano ka-close ang mga anak ni Ibyang kaya maski abala sa taping ang aktres at kapag may kailangan ang ikatlong anak nito sa school ay si Ria ang naga-asikaso. “’Yun nga lang, hindi ko na masyadong nakakasama sa biglaang lakad sina Arjo, Ria at Gela kasi may mga kani-kanila na rin silang lakad, kaya madalas si Xavi lang ang nabibitbit ko.

“Sinasamantala ko nang sinasama lagi si Xavi kasi darating din ang araw na pag nagbinata o binatilyo na ‘yan, may sarili na ‘yang mundo. Kami na lang ng asawa ko ang maiiwan sa bahay,” kuwento ni Ibyang. Samantala, ang suwerte ng mag-inang Sylvia at Arjo dahil parehong mataas ang rating ng mga programa nilang Super D at FPJ’s Ang Probinsyano.

“’Yung sa amin kasi pambata (Super D) kaya mataas, ‘yung Probinsyano, halo na, matanda at bata kaya maraming nanonood, kita mo nga hindi bumababa sa kuwarenta (40) ang rating,” say ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending