Magkaibigang celebrity nagreklamo nang biglang baguhin ang konsepto ng kanilang programa | Bandera

Magkaibigang celebrity nagreklamo nang biglang baguhin ang konsepto ng kanilang programa

Reggee Bonoan - May 09, 2016 - 02:00 AM

BLIND ITEM FEMALE 0311NAGKAROON ng pagbabago sa konsepto ng programang kinabibilangan ng magkaibigang galing sa kabilang TV network bagay na hindi nila gusto pero wala silang magagawa kundi sumunod dahil sa kanilang kontrata.

Nang mag-taping sila para i-present sa ma-nagement ang bagong programa ay positibo naman ang na-ging resulta, may mga pinabago lang ang mga bossing ng network para sa mas lalong ikagaganda ng project. Ngunit hindi alam ng mga bida ng show ang pi-nabago dahil hindi naman sila ang humarap sa management nang i-present ito kundi ang mga bossing lang ng programa.

Kaya nu’ng mag-taping na para sa bagong episode ng programa na iniba ng konti ang titulo ay nagulat ang mga bida nito dahil hindi naman daw iyon ang pinag-mitingan nila at hindi rin iyon ang ginawa nila. Panay daw ang angal ng isa sa host ng programa dahil nga sa malaking pagbabago at higit sa lahat, marami silang kasamahan sa show ang nawala.

Hindi naman din kasi sinabi ng bossing ng programa na nagbawas sila ng gastos kaya maraming nawala sa show bukod pa sa nagbaba rin ng pasuweldo sa mga tao. Anyway, hoping ang lahat ng artists and production staff na magtatagal ang programa nila para naman daw may trabaho sila lalo na’t pasukan na naman sa susunod na buwan at kailangan ng mga estudyante nila.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending