Karylle kay Zsa Zsa: Dapat hindi muna ina-announce ang kasal, nauudlot, e! | Bandera

Karylle kay Zsa Zsa: Dapat hindi muna ina-announce ang kasal, nauudlot, e!

Reggee Bonoan - May 06, 2016 - 03:00 AM

ZSA ZSA PADILLA AT KARYLLE

ZSA ZSA PADILLA AT KARYLLE

“DAPAT talaga hindi muna ina-announce kasi nauudlot. You don’t know what’s gonna happen talaga.” Ito ang sabi ni Karylle Yuzon nang makatsika namin paglabas niya ng restroom sa Mesa Restaurant noong Martes.

Um-attend ang singer-actress sa pagtitipon ng mga artistang sumusuporta sa kandidatura ni dating DILG Sec. Mar Roxas sa presidential elections.

Sa nasabing event ay si Karylle ang bumasag ng balitang hiwalay na nga ang mommy niyang si Zsa Zsa Padilla sa kanyang fiance na si Architect Conrad Onglao.

Tinanong namin kung pabor ba silang magkakapatid sa paghihiwalay ng dalawa, “Hindi na ako ang sasagot no’n kasi what makes her happy or kung ano ang decision niya doon kami. Okay naman sila, eh.”

Humiling din ng panalangin ang panganay ni Zsa Zsa, “Kung okay lang, I’ll ask for your prayers and also siguro the time to be alone and private about it.”

Bilang suporta sa ina ay dinadalaw daw ito ni Karylle sa taping, “Mga surprise visit ganyan, hindi naman everyday kasi may sakit din siya, ayaw niyang mahawa ako. Ganu’n lang simple things lang.”

Sa tanong kung may nakikita siyang reconciliation, “I don’t think so, but that’s not really for me to say.”

Samantala, isa si Karylle sa supporter ni Mar Roxas at hindi siya nakatikim ng pangba-bash.

“Siguro, I’m just grateful na kapag mayroon akong nakakausap, I talk to them with respect and I think respect begets respect so minsan talaga iniintindi mo na lang. Some people become passionate, too passionate na naiiba, ako iniintindi ko sabi ko, please, be careful na lang,” kuwento ni Karylle.

Ano naman ang masasabi ni Mrs. Yael Yuzon sa sinasabing bayad daw lahat ang supporters ni Mar Roxas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We won’t be here if we do not believe in him? Ako it took me really a long time to decide. Ang presidente, hindi naman ganu’n-ganu’n lang ang pagpili, talagang pinag-iisipan ng mabuti and discuss with friends,” katwiran nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending