Angel nagpapagaling at nagpapalakas para sa muling pagsigaw ng 'Darnaaaa!' | Bandera

Angel nagpapagaling at nagpapalakas para sa muling pagsigaw ng ‘Darnaaaa!’

Reggee Bonoan |April 25,2016
facebook
share this

Angel nagpapagaling at nagpapalakas para sa muling pagsigaw ng ‘Darnaaaa!’

Reggee Bonoan - April 25, 2016 - 02:00 AM

angel locsin

Mukhang kinumpirma na ni Robin Padilla na si Angel Locsin nga ang gaganap na Darna sa bagong movie version nito base na rin sa birthday wish nito sa kapwa niya hurado ng Pilipinas Got Ta-lent noong Sabado.

Ipinagdiwang ni Angel ang 31st birthday noong Sabado sa PGT Live at ang wish sa kanya ni Binoe ay, “Ang kahilingan ko naman sa Maykapal ay gumaling ka na para magawa mo na ‘yung Darna,” na sinagot naman ng aktres ng, “Korek!”

So, bossing Ervin, kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Ilang beses na rin naming sinusulat na si Angel pa rin ang bibida sa “Darna” kaya nga siya nagpaopera at nagpapa-theraphy sa Singapore at balita nga namin ay isang taon ang payo ng doktor na magpahi-nga ang dalaga at hindi puwedeng gumawa ng mabibigat na eksena tulad ng fighting scenes.

Anyway, ang inabangan namin ay ang birthday wish ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano, “Ako ang wish ko kay Angel de-finitely the best of health, hindi lang para sa ‘yo kundi para sa buong pamilya mo. ‘Yun ang only wish ko for you, best of health sa lahat na ibibigay sa ‘yo ng Panginoon.”

At ang wish din ng BANDERA kay Angel ay tuluyan na nga talaga siyang gumaling dahil buong mundo na ang nag-aabang sa muli niyang pagsigaw ng “Darnaaaa!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending