Maganda at tisay na TV host-actress boba nang umarte, may attitude problema pa | Bandera

Maganda at tisay na TV host-actress boba nang umarte, may attitude problema pa

Reggee Bonoan - April 24, 2016 - 02:00 AM

BLIND ITEM  FEMALE 0318

“WALA namang offer kay _____ (kilalang aktres) kaya sabi na lang niya, masaya siya sa network niya ngayon!” Ito ang sabi sa amin ng TV executive sa isang giant network tungkol sa isang tisay na aktres.

Akala kasi ng mga katoto ay lilipat sa kilalang network ang TV host-actress dahil madalas siyang nakikitang naggi-guest at kung minsan ay dumadalaw lang dahil may mga kaibigan siya roon. Pero laking gulat ng lahat ng ibang aktres pala ang inalok ng kilalang network para maging bida sa isang serye.

Ilang beses na rin namang naging bida ang TV host-actress sa mga programang kinabibilangan niya sa network kung saan siya kunektado kaya akala namin ay pases na ito para alukin siya ng kilalang network.

“Hello, wala namang acting, ‘te? Alam mo naman ang ____ (kilalang network) kapag nakitaan ng potential at puwedeng i-develop inaalok talaga, itich (TV host-actress), waley naman,” katwiran ng TV executive na kausap namin.

Wala naman daw problema sa aura dahil maganda naman talaga ang TV host-actress sa screen, pero may kulang daw at higit sa lahat, “Alam mo ba, nag-imbestiga na rin, may attitude lola mo, kaya isa rin ‘yun sa dahilan kaya hindi na inalok pa.

Kaloka, sangrekwa na ang may attitude rito (TV network), ‘wag nang dagdagan pa,” humalakhak na sabi sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending