Julia Montes: Gwapo naman talaga si Coco kaya siguradong maraming babaeng nagkakagusto sa kanya! | Bandera

Julia Montes: Gwapo naman talaga si Coco kaya siguradong maraming babaeng nagkakagusto sa kanya!

Reggee Bonoan - April 24, 2016 - 02:00 AM

coco martin

Hindi malaman ni Julia Montes kung paanong upo ang gagawin niya sa harap ng entertainment press sa thanksgiving presscon ng Doble Kara noong Biyernes dahil hindi niya masagot kung ano ba talaga ang real score nila ni Coco Martin.

Ilang beses kasing tinanong ang aktres at ang leading man niyang si Sam Milby, successful daw sila pareho sa kanilang respective careers pero wala namang nababalitaang may lovelife ang dalaga.
Sagot ni Julia, “E, busy pa po kasi ako. Grabe kinakabahan ako, e, ano, focus po muna sa work.

Ano ba? Busy nga po kasi ako, hindi ko nga alam kung pag-uwi ko kung si Sara o si Kara (karakter sa Doble Kara) ba ako.” Kaya naman sa one-on-one interview namin kay Julia kasama ang ilang kasamahan sa panulat ay talagang kinulit namin siya tungkol kay Coco.

Unang tanong namin kung ano ang say niya sa pag-amin ng bagong Kapamilya actress na si Ritz Azul na crush niya si Coco. “Siyempre grabe guwapo naman talaga si Coco and talented kaya sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya, for sure halos lahat ng babae ay magkakagusto sa kanya,” nakangiting sabi ng dalaga.

Walang kurot (selos), hirit namin sa dalaga, “Wala, grabe!” tugon naman nito habang tawa nang tawa.
Sinundot pa namin siya ng isa pang tanong na, “So kayo na (ni Coco)?” “Grabe naman po ang mga tanong n’yo?” sagot ulit ng dalaga sabay sabing, “Super iba lang ang communication namin ngayon.”

Hanggang sa makiusap na nga siya sa amin, “Huwag na ako ang tanungin n’yo. Siya na lang po muna.”
Mas ninerbyos pa si Julia nang tanungin namin kung anong masasabi niya na sa kanya inihandog ni Coco ang tropeong natanggap nito kamakailan sa 47th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation kung saan nanalo ang aktor ng Phenomenal Box Office Star kasama sina Vice Ganda, Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

“Bakit ako?” nauutal na sagot ng dalaga. Samantala, inamin ng aktres na kung may taong pinagkakatiwalaan siya nang husto sa showbiz yan ay walang iba kundi si Coco Martin. Apat na taon nang close sina Coco at Julia dahil edad 17 noon ang dalaga nu’ng magsimula sila kaya sabi namin ay sa aktor na siya nagdalaga nang husto at nag-mature bagay na inoohan naman ng dalaga.

“Lahat ng blessings na dumating sa akin, lahat ng mature roles ko, siya na talaga ang kasama ko. Siya rin talaga ang isa sa mga tumulong sa akin, ito kung ano po ang naibibigay ko ngayon,” pagtatapat ng aktres. Feeling ba niya si Coco na ang kanyang future, hindi kaagad makasagot ang dalaga at nag-dialogue ng, “Nakakaloka ang mga question!”

Tungkol naman sa karakter ni Julia bilang kambal sa Doble Kara ay aminado ang dalaga na nahihirapan siya at nahihiya kapag hinihintay siya sa set ng mga kasama niya para magbihis at magpa-make up.
At sa eksenang ikinasal na si Kara kay Seb (Sam) ay nauna raw siyang kinunan bilang bride at sumunod ang karakter niyang si Sara bilang bridesmaid.

Sa ikalawang libro ng Doble Kara ay mas kaabang-abang daw ang mga eksena dahil maraming pagbabago sa mga karakter ng bawa’t isa lalo na kapag nagkaanak na ang kambal. Ipinagmamalaki naman ng Dreamscape Entertainment na nakamit ng Doble Kara ang all-time high national TV rating na 19.1%.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending