Ritz Azul pinuri ang akting sa teleserye ni Coco Martin | Bandera

Ritz Azul pinuri ang akting sa teleserye ni Coco Martin

Reggee Bonoan - April 22, 2016 - 03:00 AM

RITZ AZUL

RITZ AZUL

PURI-PURING ng mga nanonood ng FPJ’s Ang Probinsyano ang acting ni Ritz Azul, maaliwalas daw angdating nito sa screen.

Ilang gabi na kasi naming hindi natututukan ang serye ni Coco Martin sa ABS-CBN kaya hindi kami naka-react sa mga kuwento sa amin.

Sabi ng aming kausap, “Maganda si Ritz sa screen maski wala siyang make-up, halata namang wala.

Magaling siyang umarte, pinag-workshop na ba siya ng ABS-CBN? Ang galing niya, ha.”

Sa pagkakaalam namin, hindi na yata siya pinag-workshop ng Dreamscape Entertainment dahil pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ay nag-taping na kaagad siya, sumabak agad siya sa matinding mga eksena.

At di ba nga, kuwento ni Ritz, si Coco ang nagtuturo sa kanya kung paano iarte ang isang eksena? Kaya kailangan pa bang i-workshop ang aktres, e, premyadong aktor at Primetime King pa ang umaalalay sa kanya sa set?

Pasado sa viewers si Ritz kaya siguradong tuwang-tuwa ang aktres sa magagandang feedbacks sa akting niya, sayang nga lang at guest lang siya sa Ang Probinsyano.

May nagtanong sa amin kung type raw ba ni Coco si Ritz na una nang nagpahayag na crush niya ang award-winning actor. Hindi raw kaya mabighani ni Ritz ang aktor?

Oo nga ‘no, ano kayang masasabi ni Coco? Naku, ayaw ni Julia Montes ng ganyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending