Dominic sa mga baguhang young stars: Matutong tumahimik at magpaka-humble | Bandera

Dominic sa mga baguhang young stars: Matutong tumahimik at magpaka-humble

Reggee Bonoan - April 16, 2016 - 03:00 AM

MARCO MASA AT DOMINIC OCHOA

MARCO MASA AT DOMINIC OCHOA

SINONG mag-aakala na pagkalipas ng 20 taon sa showbiz ay mabibigyan pa ng chance si Dominic Ochoa na magbida sa isang teleserye. Ang mga kasabayan niya noong sina Marvin Agustin at namayapang Rico Yan ay ilang beses nang naging bida sa pelikula at teleserye.

Sa madaling salita, late bloomer si Dominic, pero hindi ito big deal sa kanya, “I’m so blessed sa ibinibigay nilang (ABS-CBN) trabaho sa akin.

“Ako, I always like na ‘yung ginagawa kong work may aral na ipapamahagi sa mga manonood.

Everyone’s saying to me nga, ‘Dom, ang tagal mo. We’re happy na ito na yung big break mo.’

“Alam mo, never na pumasok sa utak ko na itong My Super D, ako ang bida dito.

“Para lang isa itong role na ibinigay sa akin, it’s not about the things that are given to you. It’s your responsibility, whether it’s small or big, it’s a responsibility given to you.

“Whether magampaman ko siya o hindi, gagawin ko parati ang lahat ng hundred to hundred-fifty percent na makakayanan ko. It’s a big responsibility!” sabi ng aktor.

Katwiran nito, never siyang namili ng papel sa loob ng 20 years, “Puwede tayong maging kontrabida, puwede tayong bida, puwedeng extra. Kahit ano, hindi naman tayo namimili, pasalamat pa rin sa Diyos.

Siya naman ang nagbibigay ng mga ito.”

Hiningan ng payo si Dom para sa mga baguhang artista, “Yung sa akin, let’s just be professional with work. If this is your call time, come on time, be professional. Minsan you have to speak out, too, you can’t just shut up.

“Pero you can say it in a nice way para hindi ka maka-offend ng ibang tao. Kasi sila rin ang makakatrabaho mo in the future, sila rin ang makikita mo, hindi mo talaga maiiwasan, e.

“Mayroon tayong makakasamaan ng loob, mayroon tayong masasabi. Pero sometimes we have to keep it to ourselves, wala namang kapupuntahan. Unless very close sila na puwede mong sabihin sa kanila.

“Ako, hindi naman ako plastic na tao, I’ll tell them straight kung ano ang gusto kong sabihin,” pahayag pa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, suportado rin ni Dom ang rekomendasyon ng Labor department na limitahan na sa 14 hours ang oras ng trabaho sa taping at shooting, “Sana maipatupad yun, sana ma-implement. Hindi lang naman yun para sa aming mga artista, para sa lahat ‘yun ng mga taga-industriya!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending