Epy Quizon sa pagpapakasal ni Zsa Zsa: Gawin niya kung ano ang gusto niya!
ANG ginawang pelikula ni Epy Quizon sa Singapore na may titulong “Unlucky Plaza” ay mapapanood na sa Abril 20, distributed by Viva Films.
Ang Singaporean screenwriter, director and playwright na si Ken Kwek ang director ng pelikula na tumatalakay sa isang OFW na nakapag-asawa ng Singaporean at nagkaroon ng anak na may maliit na kainan sa Lucky Plaza. Ito ang tambayan ng mga OFW tuwing day-off nila.
Gagampanan ni Epy ang karakter ni Onassis Hernandez na nagulo ang buhay mula nang magkaroon ng food poisoning sa Lucky Plaza, nadamay kasi ang kainan niya dahil wala nang gaanong kumakain sa lugar.
At dahil nalugi nga hindi na siya nakakabayad sa upa ng bahay nila at hindi na rin naibibigay ang pangangailangan ng pamilya. Bukod dito ay nabiktima rin si Onassis ng financial scam kaya halos mabaliw na siya. Hanggang sa nang-hostage na siya ng mga Singaporean.
Marami nang papel na ginampanan ang premyadong aktor at para sa kanya ay bagong putahe itong “Unlucky Plaza” dahil napakaganda raw ng pagkakasulat. Sa katunayan nanalo ang direktor ng pelikula na si Ken Kwek sa Tehran Jasmine Film Festival as Best Director at naging Best Actor din Epy sa International Film Festival Manhattan.
Ipinalabas na rin ang movie sa Toronto International Film Festival, napasama sa Warsaw Film Festival at nominado sa Grand Prix at sa Kolkata International Film Festival at nominated rin sa NETPAC (Network for the Promotion of Asian Cinema).
Ayon kay Direk Ken sa presscon ng pelikula kamakailan, “I have to say that for me, I am most proud of Epy’s work. Because to me, the first and most important elements of the movie I am making tends to be workshops with actors. I work very closely with my actors. I do a lot of rehearsals and I often rescript my story according to contributions, the faces, the shape, the action of my actors.
“So, when Epy won the award in Manhattan, I was very, very happy for him but not the least bit surprised,” dagdag nito.
Sabi naman ni Epy, “For me, the award is secondary. It’s actually the reactions of people watching it that are probably the biggest award. I always get this when someone leaves the theater and approaches me and says, ‘that was very good’ or ‘you did a good job’. That’s when I receive the biggest award.
“But of course, International Film Festival Manhattan is International Film Festival Manhattan. And when I got it, I also got the Ani ng Dangal award, and for me, who would ever thought that I was gonna get awards such as.
“Of course, napakaipokrito ko naman kung sasabihin kong hindi ako masaya. Of course, I’m very proud that I have received such an honorable award,” aniya pa.
Nabanggit pa na marami ang hindi nakakaalam sa mga nagaganap sa Singapore tulad ng kuwento ng “Unlucky Plaza” na base sa tunay na pangyayari.
Hindi namin akalain na ang tinatawag na safest country ay marami rin palang mga nakatagong “lihim”.
“You know, Singapore is a safe place, right?” sabi ni Epy. “And there are events of scamming and riots and protests that mostly people don’t know because the government controlled the media.” At pinatotohanan din ito ni Direk Ken Kwek na isang Singaporean.
Samantala, natanong naman ang aktor tungkol sa nalalapit na pag-aasawa ni Zsa Zsa Padilla, ang huling babae sa buhay ng amang si Mang Dolphy.
Medyo kumunot ang noo ng aktor, sabay sabing, “My father is with God right now, she (Zsa Zsa) can be with where she wants to be, marrying whoever she wants. Really, I’m living with my own life now, I have nothing to do what she wants to do with her life. If she’s happier that way then I’ll be happy for her.”
Kung iimbitahan siya sa kasal, dadalo ba ang siya? “Well, why not? If I’m free, why not,” kaswal na sagot ng aktor.
Okay lang daw na hindi na magpasabi pa si Zsa Zsa sa pagpapakasal niya dahil, “And she doesn’t have to…na magpaalam, unang-una hindi naman sila kasal ng tatay ko.”
“I’m pretty sure baka sila ni Eric (Quizon), mas madalas silang mag-usap. Ako, honestly, she can do whatever she wants in her life. She wants to get married then go for it. I’ll be happy for her.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.