Noranians di sinuportahan ang Pelikula ni Ate Guy kaya tsugi agad sa mga sinehan

By Cristy Fermin April 14,2016
share this

Noranians di sinuportahan ang Pelikula ni Ate Guy kaya tsugi agad sa mga sinehan

By Cristy Fermin April 14,2016
share this

vilma santos

Nakapanghihinayang ang mga ginagawang de-kalidad na pelikula ng Superstar. Puring-puri siya ng mga kasamahan niya sa pelikula, maging ng mga kababayan nating nakakapanood ng proyekto, pero agarang nawawala sa sinehan ang mga pelikulang pinagbibidahan niya.

Ikinuwento ni Ogie Narvaez-Rodriguez na magagaling ang mga artista ng “Whistleblower”, wala ka raw itaitapon sa mga ito, lalo na si Nora Aunor na walang pakialam na humaharap sa mga camera nang halos walang make-up.

“Makikita mong hindi siya conscious sa itsura niya, makikita mo ang mga dumi niya sa balat, lalo na sa leeg niya, wala siyang pakialam! “Pero ang acting ni Guy, wala siyang kupas! Mata pa lang niya, e, nagkukuwento na, ang galing-galing talaga niyang umarte!” kuwento ng aming anak-anakan.

Pero nakalulungkot naman ang kuwento ng iba naming mga kaibigan, iilan lang silang nanonood nang sadyain nila ang sinehang pinagpapalabasan ng pelikula, maginaw sa sinehan dahil walang body heat.
“At hinanap pa namin ang sinehan dahil na-pullout na ang ‘Whistleblower’ sa maraming movie house.

Hahanapin mo talaga ‘yun para mapanood mo. “Walang gaanong tao, kaming lima lang ang nandu’n, nadagdagan man bago matapos ang movie, e, mabibilang mo pa rin sa mga daliri mo kung ilan lang ang pumasok pagkatapos nang isang oras na halos.

“Sayang, sana lang, e, sinuportahan naman ng mga fans ni Nora ang pelikula ng idolo nila. Pero sa nangyari, e, parang hindi man lang sila kumilos, parang pinabayaan lang nila si Nora, ‘yun ang kaibahan ng mga Vilmanians.

“Kapag may pelikula ang Star For All Seasons, buhay na buhay talaga sila!” komento ng aming mga kausap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending