Kylie pasok sa Encantadia dahil sa galing sa Martial Arts | Bandera

Kylie pasok sa Encantadia dahil sa galing sa Martial Arts

Reggee Bonoan - April 07, 2016 - 02:00 AM

kylie padilla

ALIW na aliw kami sa ilang taga-GMA 7 na nagtanong sa aming mga patnugot kung saan namin nakuha ang balitang si Kylie Padilla ang gaganap na Amihan sa TV remake ng Encantadia Requel (Retelling + Sequel) dahil hindi pa raw naman final ang members ng cast.

Inamin naman daw na totoong nag-audition si Kylie sa Encantadia, pero wala pa raw final decision, nakakahiya naman daw kung hindi mapili ang anak ni Robin Padilla. Matatandaang sinulat na namin dito na isa si Kylie sa mga magbibida sa remake ng Encantadia at sa kanya nga napunta ang role na Amihan na ginampanan noon ni Iza Calzado.

Ayon naman sa isang source, bilib na bilib daw ang mga bossing ng GMA sa galing ni Kylie sa martial arts na magagamit nga nito sa nasabing serye. Aliw lang kami dahil na-preempt namin ang isa sa apat na gaganap na Sangre.

Ang iba pang napili para sa tatlo pang sangre ay sina Glaiza de Castro bilang Pirena (ginampanan noon ni Sunshine Dizon), Gabbi Garcia sa papel na Alena (na ginampanan ni Karylle noon) at Sanya Lopez as Danaya (played by Diana Zubiri sa original version).

Si Marian Rivera ang gaganap na Ynang Reyna na papel noon ni Dawn Zulueta habang si Dingdong Dantes naman si Raquim na ginampanan noon ni Richard Gomez. Si Dingdong ang gumanap noon sa papel na Ybarro/Ybrahim na gagampanan ngayon ni Ruru Madrid.

Si John Arcilla ang gaganap na Haring Hargorn, at si Rocco Nacino naman si Aquil. Ito’y sa direksyon ni Mark Reyes at sa panulat ni Suzette Doctolero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending