Angel binibigyan ng pera ang mga natatalong contestant sa ‘PGT5’ | Bandera

Angel binibigyan ng pera ang mga natatalong contestant sa ‘PGT5’

Reggee Bonoan - April 02, 2016 - 03:00 AM

ANGEL LOCSIN

ANGEL LOCSIN

ISA pang dapat hangaan pagdating sa pagiging generous ay itong si Angel Locsin na hindi rin ipinaaalam sa iba ang ginagawang pagtulong. Kaya nga lang, hindi maiiwasan na ang mga taong natutulungan niya ang mismong nagkukuwento sa ibang tao.

Heto ang latest na tsika, napag-usapan daw ang aktres ng ilang talunang contestants sa Pilipinas Got Talent Season 5 – alam n’yo ba na binibigyan pala nito ng pamasahe pauwi ang ilan sa mga hindi pumapasa sa blind auditions?

Marahil ay sobrang excited ang mga naabutan ni Angel ng tulong kaya naikuwento nila ito sa iba at ‘yung mga nakarinig ay ikinuwento rin sa iba hanggang sa makarating sa aming kaalaman. Nang marinig namin ito ay hindi na kami nagulat pa dahil totoong maawain at matulungin ang dalaga.

Di ba nga bossing Ervin kapag may kalamidad ay nangunguna parati si Angel sa pagtulong?

Anyway, ayon sa ilang taong napagkuwentuhan ng mga nakatikim ng pagiging generous ng aktres, “Ang bait ni Angel pala kasi pinaabutan niya ng pera ‘yung mga contestant na hindi nakapasa sa blind audition ng PGT. Binibilin niya sa kasama niya.”

Balik-tanong namin, lahat ba ng hindi nakakapasa sa blind auditions, inaabutan ni Angel? E, ang dami nu’n, “Ay hindi naman, doon lang sa mga naawa siya, ‘yung talagang nakita niyang hirap sa buhay.”

Kaya blessed si Angel dahil marunong siyang mag-share ng blessings niya. Anyway, sa Abril 9, (Sabado) na ang live episode ng PGT5 para sa kanilang semi-finals episode.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending