Promise ni Kris sa madlang Pipol: Babalik ako, magpapagaling lang!
NANGAKO ang Queen of all Media na si Kris Aquino na babalik pa rin siya sa mundo ng telebisyon pagkatapos ng kanyang mahaba-habang bakasyon. Sa episode ng Kris TV nitong nakaraang Martes, sinabi ng mommy nina Joshua at Bimby na hindi dapat mag-alala ang kanyang mga tagasuporta dahil hindi niya tuluyang iiwan ang showbiz.
“I’ll be back. Pagaling lang po muna,” ang mensahe ng TV host-actress sa kanyang mga followers.
Dugtong pa nito, “Ang hinihingi lang naman ng doktor ay two months straight na walang spike ang BP (blood pressure). So we are going to our happy place.”
Dagdag pa ng TV host, at least three weeks daw siyang mananatili, kasama ang kanyang mga anak sa favorite place nilang mag-iina. Nauna nang nagpaalam si Kris sa lahat ng mga sumusubaybay sa Kris TV, aniya kailangan lang niyang pagtuunan ang kanyang health problems, ang kanyang pamilya at mga naipundar na mga negosyo kaya niya iiwan pansamantala ang mundo ng showbusiness.
Kahapon umere ang huling episode ng Kris TV sa ABS-CBN kaya marami talaga ang nalungkot sa kanyang pansamantalang pag-alis. Promise naman ng TV host, babalitaan niya ang kanyang mga tagasuporta tungkol sa mga nangyayari sa kanyang buhay sa pamamagitan ng kanyang Instagram.
“Bye everybody… I’ll give you a weekly wellness progress update,” ang caption ni Kris sa litrato nilang mag-iina sa IG. Bago pa tuluyang magpaalam si Kris sa kanyang morning show, sinabi pa nitong hindi raw sagot sa pagkakaroon ng maayos na kalusugan ang “one time, big time” annual vacation.
Yan daw ang payo sa kanya ng kanyang mga doktor. “Every three months, allow yourself seven to 10 days of rest, ‘yung talagang you do healthy things, as in seven to 10 days na wellness. To be honest, enjoy tayong mag-shopping.
E ‘di maglakad ka ng maglakad at make sure na na-track mo ang steps. “Also, ‘yung tamang tulog talaga. Lahat ng doktor sinabi sa akin tamang tulog sa tamang oras. Ang ideal is 10 p.m. matulog ka na.
Mahirap pero ‘yun talaga – sleep at the right time and get at least eight hours. “Give yourself that time, lalo na if you can afford it,” mahabang mensahe pa ni Kris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.