Kim: Walang kasalanan sa akin si Maja, hindi naman ako Diyos! | Bandera

Kim: Walang kasalanan sa akin si Maja, hindi naman ako Diyos!

Reggee Bonoan - March 23, 2016 - 02:00 AM

kim chiu

NO holds barred ang naging panayam ni kuya Boy Abunda kay Chinita Princess Kim Chiu sa Tonight With Boy Abunda noong Lunes. Magdiriwang na kasi ng ika-10 taong anibersaryo si Kim sa showbiz simula nu’ng manalo siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition taong 2006.

Tinanong ng TWBA host kung ano ang mga nabago kay Kim sa loob ng 10 taon, ayon sa aktres dati’y tahimik siya at kimi, ngayon ay mas malakas na ang loob niya. Open book naman ang naging relasyon nila noon ni Gerald Anderson at ang binata ang kanyang first love ngunit hindi nga naging maganda ang paghihiwalay nila, kaya tinanong ni kuya Boy kung kailan o paano naramdaman na wala na talaga ang aktor sa puso niya’t isipan.

“Ay grabe naman ‘yan tito Boy, after (nag-iisip)…after one and a half years, yes,” sabi ni Kim. Dugtong pa nito, “Ano, siguro self-worth, self-respect at ‘yung mga taong nakapaligid sa akin at ‘yung mga sinasabi nila (mga payo) at si Xian (Lim), nu’ng dumating siya,” natawang sagot ng aktres.

Diretsong tanong din ni kuya Boy kung ano ang naging kasalanan ni Maja Salvador sa kanya dahil naging boyfriend nito si Gerald gayung ang Dance Princess ang naging sandalan niya noong naghiwalay sila ng ex-boyfriend niya tapos nalaman niyang magkarelasyon na pala ang dalawa.

“Ay grabe naman ‘yung kasalanan, ang bigat naman nu’n, hindi naman ako Diyos, tito Boy. Wala namang kasalanan. Walang may kasalanan, wala talaga, it’s just the circumstances,” tumatawang sabi ng aktres.

Nagtanim ba ng galit si Kim kay Maja noon, “Siguro tampo, hindi galit, kasi mala-lim ang galit. Hindi po kami nag-usap no’n, ako ‘yung taong hindi nagko-confront saka inilihim ko lang na, ‘Ay bukas okay na kami’. Ayoko ng makipag-confront, tito Boy, isang Hail Mary lang, tapos na.”

Nabanggit din ni Kim na ang lowest point sa buhay niya ay noong namatay ang mama niya na hindi man lang niya nabantayan dahil una at huling gabi lang niya nadalaw sa burol. Anyway, okay na si Kim dahil lahat ng dinanas niya sa loob ng 10 taon sa showbiz ay considered as challenge para pagbutihing lalo ang karera na hindi naman din siya nabigo dahil halos lahat naman ng hiniling niya ay ibinigay ng Diyos.

Kaya bilang pasasalamat sa mga supporters niya ay magkakaroon siya ng anniversary concert sa Abril 9 sa KIA Theater na may titulong “The Funtasy Concert.” Muling tinanong ang dalaga kung ano ang reaksyon niya sa mga nagtaasan ng kilay dahil ano raw ang karapatan ng Chinita Princess na mag-show, “Okay lang, ano siguro normal naman sa isang tao na may masabi sa ‘yo, it’s up to you kung magpapaapekto ka o hindi, isang Hail Mary lang uli ‘yun. Ha-hahaha!”

Sabi nga ni Kim, “Pagbigyan n’yo na ako, 10 years ko naman, eh. Ha-hahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending