Richard, Maricar di pa rin makabuo ng baby kaya magha-honeymoon uli
Hndi pa rin nakakabuo ng baby sina Richard Poon at Maricar Reyes kaya’t muli silang aalis ng bansa para mag-relax. Sabi ni Richard nang nakausap namin siya sa pictorial nila ni Richard Yap para sa nalalapit nilang back-to-back concert, “Well, nagta-try naman kami after the second year (ng marriage), there was a time na na-delay na siya, pero after mga four or five days, nagkaroon siya, sayang.”
Tinanong namin kung nagpa-check up na sila ni Maricar dahil baka may kailangan silang inuming bitamina. Kuwento ni Richard, “Ako, hindi pa. Siya, nagpa-surgery siya a year and a half ago dahil may ovarian cyst siya na hindi nawawala so kailangang tanggalin, after two or three opinions (ng doktor).
Siya palang ‘yung nagpatingin, ako hindi pa.” Tinanong namin kung may epekto ang tinanggal na cyst sa wife ni Richard, “Wala naman daw. May isang doktor na nagsabing maganda raw mag-take ng folic acid (vitamin B) other than that wala naman nang sinabi,” kaswal na sabi ng singer.
Samantala, buwag na pala ang Sessionistas simula nu’ng nag-reformat ang ASAP20 at nawala si Aiza Seguerra sa show. Hindi kasi kami nakakapanood ng ASAP20 kaya wala kaming ideya, “Ano ka ba, wala na (Sessionistas), ang pumalit doon, love songs stories na.
Saka paiba-iba ‘yung singers, iniikot, si Jolina (Magdangal) lang ‘yung nagna-narrate at sa LSS na segment, paiba-iba rin. “Saka hindi na rin mabubuo ang Sessionistas kasi wala na si Aiza, haligi ‘yun, eh, hindi puwedeng wala ‘yun,” kuwento ni RP (tawag kay Richard).
Samantala, tinanong namin ang concept ng show nina Richard Poon at Richard Yap na gaganapin sa PICC produced ng Cornerstone Concerts, “Hindi ko pa masyadong alam lahat ang detalye, pero siya (RY), more on pop crooning na nasa 80s o 90s.
Ako naman, swing pa rin tapos kakanta ako ng Chinese song, hindi ko lang sure kung kakanta rin siya. Pero may duet kami ng ‘Beautiful Girl’ na ako ‘yung kakanta ng Chinese, tapos siya sa English.
“Okay na para maiba naman dahil pareho kaming Chinese at may market din kaming Chinese, may Pinoy din, pero feeling ko, yung supporters siyang more on Chinese,” sabi pa ng big band crooner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.