Aktres tinawag na impaktita ni Direk, mahirap katrabaho | Bandera

Aktres tinawag na impaktita ni Direk, mahirap katrabaho

Reggee Bonoan - March 15, 2016 - 02:00 AM

BLIND ITEM WOMAN 0226

Totoo nga palang may attitude problem ang kilalang aktres dahil mismong direktor niya ay tinawag siyang “impaktita”. Nagkakuwentuhan pala ang dalawang kilalang direktor sa telebisyon na pawang matataas sa ratings ang shows nila tungkol sa mga artista nilang mababait at maayos kausap.

Pinupuri rin ng dalawang direktor ang bawa’t show nila at ‘yung ibang shows din ng network na magaganda rin. Hanggang sa napunta ang usapan sa mga artistang ayaw nilang makatrabaho dahil sumusuko na raw sila sa ugali at laging late pa sa set.

Isa pala ang reklamo sa kilalang aktres, imagine bossing Ervin, iba’t ibang direktor na ang nakatrabaho nito at hindi nagkakalayo ang mga kuwento sa kanya. Kaya hayun sa sobrang buwisit at sakit ng ulong idinulot ng kilalang aktres ay tinawag siyang “impaktita”.

Ang nakapagtataka lang, bakit nu’ng nagtanong kami kung kumusta si kilalang aktres katrabaho ay pinupuri naman siya ng mga taga-production? At sa nangyaring isyung kinasangkutan nito ay pinagtakpan din siya.

Ang sabi lang ng isa sa direktor, “Ay salamat natapos na rin ang programa, ayaw ko na siyang makatrabaho.” Nakakatawa bossing Ervin dahil habang on-going ang serye ay puro okay naman ang komento, wala rin daw problema ang produksyon pero nu’ng natapos na, hayun, naglabasan na ang lahat ng reklamo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending