Pogay 1st-runner up lalaban sa Mr. Gay World; type dyowain si Piolo | Bandera

Pogay 1st-runner up lalaban sa Mr. Gay World; type dyowain si Piolo

Reggee Bonoan - March 14, 2016 - 02:00 AM

piolo pascual

NAGULAT ang mga imbitadong entertainment press sa ginanap na presscon ni Christian Laxamana, ang first runner-up sa Mr. PoGay contest ng It’s Showtime ma-tapos niyang sabihin na si Piolo Pascual ang gusto niyang makarelasyon kapag nabigyan ng chance.

Si Christian ang magi-ging Philippine representative sa gaganaping Mr. World Gay Philippines 2016 sa Malta sa April 19 to 23, 2016. Aniya, “Kasi I really like po na men na tan and that person has a very strong personality.”

Nabanggit din ni Christian si Alden Richards, “Because of his dimples po, and also Jericho Rosales because of his positive attitude dahil sa pinanggalingan niya noong tindero pa siya ng isda. I also like Richard Gutierrez kasi lalaking-lalaki ang dating niya at si James Reid, of course kasi bata, eh.”

Kaya naman laking tuwa ni Christian dahil siya ang ipadadala ng Pilipinas sa Mr. World Gay 2016 dahil matagal na niyang pangarap na sumali sa nasabing pageant. Pero hiniling ng parents niya na mag-focus siya that time sa kanyang pag-aaral kaya hindi niya na-pursue ang dream niya.

Nagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education Major in Music, Arts, Physical Education and Health. Malakas ang laban ni Christian na makuha ang title dahil sa kanyang pisikal na anyo at talino.

Bukod dito, may advocacy rin siya na i-encourage ang mga Pinoy na magpa-AIDS test bilang kinatawan ng LGBT sa Pilipinas. Alam ng family niya na gay siya at very supportive daw ang mother niya nu’ng grand finals ng Pogay, in fact nandoon ang nanay niya sa studio at isa ‘yun sa hinugutan niya ng lakas ng loob.

Pangwalo si Christian na kinatawan ng Pilipinas sa Mr. Gay World. Wala pang nakakakuha ng titulo kaya umaasa ang National Director na si Wilbert Tolentino na mananalo ang kandidato niya.

Kung mabibigyan ng chance si Christian ay papasok din siya sa showbiz pagkatapos ng competition niya sa Mr. Gay World. Sumayaw, kumanta at pag-arte ang kanyang talent.

Sa tanong kung ano ang edge ni Christian para makuha ang korona, “Pagiging matalino at pagiging articulate sa pagsasalita ng English. Saka matatalino po ang mga Pinoy, naniniwala po ako du’n,” sabi pa ng gwapong Pampangueno.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending