Karla: Pangarap kong makatrabaho ang KathNiel! | Bandera

Karla: Pangarap kong makatrabaho ang KathNiel!

Reggee Bonoan - March 12, 2016 - 03:00 AM

KARLA ESTRADA, DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

KARLA ESTRADA, DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

NGAYONG nakapirma na ng kontrata si Karla Estrada sa ABS-CBN, posible kayang magkasama na sila ng kanyang anak na si Daniel Padilla sa isang proyekto sa TV?

Marami kasing fans sina Daniel at Kathryn Bernardo ang nagtatanong kung kailan naman makakasama si Karla sa teleserye ng KathNiel. Mukha kasing exciting kapag nagsama ang dalawa sa isang programa ng ABS-CBN.

Sagot ni Karla sa panayam ng ABS-CBN news, “Hindi ko nabasa kasi yung contract eh. Ha-hahaha! Hindi loko lang. Gusto ko maging sorpresa lahat kasi hindi ako kumportable na kinukuwento ko yung laman ng kontrata kasi gusto laging nagsu-surprise lang, hindi nag-aantabay ang mga tao.

“At saka para na rin yan sa para hindi tayo ma-pre-empt di ba? So tingnan natin. But of course pangarap ko yan makasama ang KathNiel di ba why not? I’m sure isang malaking karangalan na makasama nila ako. Ha-hahaha!” biro pa ng singer-actress.

Ayon naman kay Karla, sobra ang pasasalamat niya sa Dos dahil nagtiwala uli ang network sa kanya, “Binigyan ko rin naman ng chance yung sarili ko na bilang first time ko pumirma sa tanang buhay ko bilang artista at saka dito pa sa number one network, di ba? Actually yung pag-iisip ko is para ding nahihiya ako, ano bang gagawin ko? Hindi ko kasi alam ano ibibigay nila baka hindi ko kayanin.

“Pero so far kung ano pala yung nakikita nila sa akin du’n din naman huhugutin yun. I think it’s more of being me,” sabi pa ng mama ni Daniel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending