Kalat na: Karla bibigyan ng sariling morning show na ipapalit sa Kris TV
ANG taray ni Queen Mother Karla Estrada dahil pagkatapos ng Your Face Sounds Familiar ay heto’t magkakaroon na rin siya ng sariling concert.
Yes bossing Ervin, bibida na rin si Karla sa kanyang major concert na “Her Highness” sa KIA Theater na magiging Mother’s Day offering ng Cornerstone Concerts.
Bongga dahil susugalan ni Erickson Raymundo si Karla. Sabi ng talent manager/producer nakitaan niya ng malaking potential ang singer-actress bilang performer at oo naman, singer naman talaga ang mother dear ni Daniel Padilla noong dalaga pa siya, naudlot lang ang kanyang singing career dahil inuna ang lovelife.
Sabi nga, hindi pa naman huli ang lahat kaya heto na ang perfect time na ituloy ni Karla ang kanyang singing career. Actually maski saan mo ilagay si Karla ay stand out siya, puwede siyang TV host, puwedeng artistang nagpapatawa at puwede ring maging dramatic actress at puwede mo ring bigyan ng cooking show dahil marunong siyang magluto.
Bukod dito, pinapirma na rin siya ng ABS-CBN ng exclusive contract kaya naman pareho ng Kapamilya talent ang mag-inang Karla at Daniel.
Samantala, sa ginanap na contract signing ni Karla ay natanong siya ng ABS-CBN news kung siya ba ang magiging host sa bagong show na papalit sa Kris TV. Huling episode na kasi ng morning show ni Kris sa Marso 23, dahil nga magpapahinga muna si Kris for health reasons.
Natatawang sagot ni Karla, “Tigilan natin ‘yan, hindi totoo ‘yan. Ang hilig-hilig n’yo (mga reporter) kasing manguna. Oo, bakit hindi ninyo i-try maging manghuhula na lang?”
“Walang nakakarating sa akin at saka hindi mapapalitan si mareng Kris dahil napakagaling no’n, walang makakapantay do’n, kanya-kanya tayong style, so Kris Aquino is Kris Aquino. My God, hindi nga sumagi sa isip ko ‘yan, nakakaloka kayo!
Paano kung i-offer nga sa kanya ang timeslot na iiwanan ng Kris TV, “Hindi ko alam kasi late ako magising baka hindi mapunta sa akin. Ha-hahaha!” natatawang sagot ng aktres.
“Sa mga offer-offer, wala itong kinalaman sa kahit kanino, ‘no. Ano ba kayo, ngayon nga lang dumating (kontrata ng ABS-CBN) kung makabahid naman kayo. Bigyan muna natin ng chance ang lahat na makahinga, bigyan ng chance na magpasaya. Hindi naman lahat ng nakikita ay puwedeng ipalit doon (Kris TV) tulad ng sinabi ko, kanya-kanya kaming style. Kaya sana ‘wag nating patulan ‘yang mga sinasabi ng chororot (mga tsismosa),” ani Karla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.