Mga artistang pasaway sinisi sa pagkamatay ng 2 direktor
NAGLABAS ng hinaing sina Direk Jun Lana at Quark Henares na may kuneksyon sa pagkakasakit ng mga direktor at mga taga-produksyon. Ito’y dahil daw sa sobrang pressure at mahabang oras ng pagtatrabaho sa shooting at taping.
Nagsalita ang dalawang direktor dahil na rin sa magkasunod na pagpanaw nina direk Wenn Deramas at direk Francis Xavier Pasion na parehong taga-Kapamilya network. Sinisisi ni direk Jun ang ilang artistang pasaway na darating sa set ng late at pagkatapos ay nagmamadaling kunan kaagad dahil may cut-off sila.
Ayon sa tweet ni direk Jun, “Let’s get real. We know the standard response when talents demand for fair working hours: Fire them. Or don’t hire them again. So of course no one complains. Talents would rather die of heart attacks than lose their only means of livelihood.
“Maraming artista, may cut-off. Dami mong kukunan na eksena, kailangan pang iprioritize ang cut-off nila? Sila bawal mapuyat, kami okay lang? “Mga artista ang dapat manguna para magbago ang sistema. Di ba sikat kayo gamitin n’yo yan kung may malasakit talaga kayo sa crew.
Eh yung iba, late na nga darating sa set, tatarantahin pa ang crew na unahin sila dahil may cut-off sila. Ang kakapal n’yo. “Ngayong me namatay na direktor, eeksena kayo, iyak iyak kayo. Eh yung pagiging inconsiderate n’yo kaya ang isang dahilan kaya natigok sila.
Di ko nilalahat pero may mga artistang nage-endorse ng kandidato, para raw sa pagbabago. Sa showbiz nga wala kayong paki, sa bayan pa natin? Buti ang direktor nabibigyan ng tribute. Paano ‘yung producer, PA, crew na nagkasakit o natigok dahil sa trabaho? May dumamay ba sa kanila?”
Isa pang naglabas din ng saloobin ay si direk Quark Henares sa pagkamatay ng professor at naging kaibigan niyang si direk Francis. Sobrang haba ng oras ng pagtatrabaho rin ang ikinatwiran ni direk Quark.
Mensahe ni direk Quark sa kanyang Facebook account, “This might not be a good time to say this but I’ll say it anyway. I think the reason a lot of TV directors like Wenn Deramas and Gilbert Perez, and now Francis Pasion are getting cardiac arrests is because of the horrible working hours and conditions in Television.
“And it’s not just directors: stuntmen, ADs, crew people and cameramen all go through similar situations. This should really change. And I don’t know how it will, considering that this entails losses for the networks. But it really is time. Top of Form.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.