Book 2 ng OTWOL kasado na, honeymoon nina James at Nadine kukunan sa Europe | Bandera

Book 2 ng OTWOL kasado na, honeymoon nina James at Nadine kukunan sa Europe

Reggee Bonoan - March 06, 2016 - 02:00 AM

james reid

“SEQUEL, sequel, sequel!” Ito ang iisang sigaw ng lahat ng mga nakapanood sa finale episode On The Wings Of Love na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo noong nakaraang Biyernes.

At dahil nga bitin ang lahat sa pagtatapos ng OTWOL kung saan natuloy din ang kasal nina Clark (James Reid) at Leah (Nadine Lustre) ay ano raw ang susunod na mangyayari? Ito ang gusto ring malaman ng lahat ng OTWOListas.

Dahil dito ay naisip daw ng ABS-CBN management na magkaroon ng sequel ang On The Wings Of Love na magsisimula nang i-shoot sa Hunyo or Hulyo at ipalalabas naman sa Setyembre ngayong taon.

Nabanggit din sa amin ng taga-ABS-CBN na isasabay na sa world tour ng JaDine ang ilang mga eksena sa sequel ng OTWOL, kabilang na ang kanilang honeymoon ngayong Marso.

Sabagay, nabanggit din ni James na hindi man natuloy ang Valentine dinner date nila ni Nadine ay itutuloy naman nila ito sa ibang bansa kung saan magkakaroon sila ng free day tulad sa Milan, Paris at London.

Pero bago raw ipalabas ang sequel ng On The Wings Of Love ay uunahin munang ipalabas ang pelikulang “This Time” ng JaDine na ididirek ni Nuel Naval. Talagang tuluy-tuloy na ang pag-akyat nina James at Nadine sa mas mataas na level ng kanilang career.

Feeling namin, mas napamahal pa sila sa publiko dahil sa pagiging totoo nila sa kanilang mga nararamdaman. Kung ang iba kasing loveteam ay nagpapatumpik-tumpik pa sa tunay nilang relasyon, mas pinili nina James at Nadine ang magpakatotoo sa isa’t isa at sa mga taong sumusuporta sa kanila hindi lang dito sa bansa kundi sa buong mundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending