Miles Ocampo: Boyfriend material naman po si Inigo! | Bandera

Miles Ocampo: Boyfriend material naman po si Inigo!

Reggee Bonoan - March 02, 2016 - 02:00 AM

inigo pascual

Takang-taka ang mga dumalo sa finale presscon ng seryeng And I Love You So kung bakit pa-cute ang sagot nina Inigo Pascual at Miles Ocampo kapag tinatanong kung ano na ang status ng relasyon nila ngayon dahil napansing masyadong touchy ang batang aktor sa batang aktres.

Sabi ni Miles, “Mas naging close po kami ni Inigo.” Pero hirit ni Julia Barretto, “Sobrang safe naman ang answer.” Salo naman ni Inigo, “The last time that we hang-out was when we were kids, tapos ngayon lang kami ‘yung I guess, serious topics napapag-usapan namin.”

Paliwanag ni Miles, “Ano kasi siya, very touchy na super sweet kasi niya, touchy in a way na sweet. Siguro mas nag-ano nga (level up) ang friendship namin.” Pagkatapos ng presscon ay talagang kinulit ng ilang press ang dalawa tungkol sa tunay nilang relasyon at kami ang nagtanong kung sila na, “Ano po, magkaibigan kami ni Inigo,” natawang sabi ng dalaga.

Sa tanong kung nakikita ba nila ang isa’t isa na may seryosong relasyon, “I do see Miles as girlfriend material,” mabilis na sagot ng batang aktor, “Because maalagain, sobrang bait and I guess, she’e always there for me and nakakatawa.” Singit naman ng dalagita, “Ay clown pala ako.”

Patuloy ni Miles, “Opo naman kasi maalaga naman siya, siguro opo, boyfriend material siya.”
Samantala, tinanong si Inigo tungkol sa relasyon nina Diego Loyzaga at Sofia Andres ngayon, “Magkakaibigan po kami, lalo na kami ni Diego, I mean to be honest, like Sofia and I have special friendship before, nag-usap din po kami ni Diego.

Magkakatrabaho po kami actually. There’s no bad blood. Past is past and we had moved on,” safe answer ng batang aktor. Tinanong din namin si Miles kung naging shoulder to cry on siya ng kaibigang si Julia Barretto sa panahong wala na sila ni James Reid, “Lahat po kaming magkakaibigan sa set nagse-share kung anong experience sa life, mga kuwento,” nakangiting sabi ng dalaga.

Iisa pa sana ulit kami ng tanong pero hinila na sina Inigo at Miles ng kanilang handlers. Sa pagtatapos naman ng And I Love You So ay paghahanap sa katotohanan at paglaban para sa karapatan ang mamamayani sa tapatan nina Michelle (Dimples Romana) at Katrina (Angel Aquino) at kanilang mga anak na sina Joanna (Miles) at Trixie (Julia).

Ngayon ngang alam na nina Joey (Benjie Paras) at Michelle ang matagal nang itinatagong ugnayan nina Katrina at Dexter (Jay Manalo), hindi makapapayag ang dalawa na masira ang kanilang mga plano kaya susunugin nila ang bahay nina Michelle na ikapapahamak ng kanilang mga buhay.

Ngunit agad iikot ang kanilang mga kapalaran dahil mahuhuli ni Trixie sa aktong paghahalikan sina Katrina at Dexter na dahilan para lalong kamuhian ni Trixie ang kanyang ina. Ngayong alam na niya ang lihim ng kanyang ina, malaman na din kaya ni Trixie na si Dexter ang kanyang tunay na ama?

Mapatunayan kaya nina Michelle na may kaugnayan si Katrina sa pagkasunog ng kanilang bahay? Maipaglaban pa kaya nila ang kanilang karapatan bilang mga tunay na Valdez? Samantala, nadulas si Julia bago mamaalam sa finale presscon na magiging mabait ang papel niya sa pagtatapos ng AILYS.

Abangan ang natitirang siyam na araw ng And I Love You So mula sa direksyon nina Onat Diaz at Jon Villarin handog pa rin ng Dreamscape Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending