Anne pasado kina Lani at Martin bilang singer-performer
Hindi itinanggi ng host ng I Love OPM na si Anne Curtis na hangang-hanga siya sa contestants ng talent search dahil sa galing ng mga ito na magsalita at kumanta ng Tagalog songs.
Kaya natanong si Anne kung ilang taon siya sa Pilipinas bago dumiretso ang dila niya sa pagsasalita ng Tagalog, “Mga three years, pero hindi pa rin nawawala ‘yung Australian accent kaya talagang everyday teleserye ‘yun, kasi kailangan diretso ang Tagalog ko.
“Pero bago ako nag-teleserye, nag-extra muna ako sa movie nina ate Angelu (de Leon),” balik-alaala ni Anne.
At dahil magagaling kumanta ang mga contestant ng I Love OPM ay natanong ang mga “Himmigration Officers” na sina Martin Nievera at Lani Misalucha kung anong masasabi nila kay Anne na hindi naman daw singer, pero naging certified singer na ngayon at bilang patunay ay nagkaroon pa ng album at soldout concerts. Pasado raw ba ang dalaga sa kanila.
Paliwanag ni Lani, “Honestly po, nakita ko naman talaga ‘yung improvement niya. Para sa akin kasi hindi naman ‘yung gaano kahusay, pero ‘yung proseso bago mo marating ‘yung ganu’n (status) kaya bilib ako sa kanya kasi talagang nagpilit siya, nag-aral siya in a good way, nag-effort po talaga, she worked so hard at talagang gusto niya talagang matutunan, iyon ang mas matimbang talaga para sa akin.”
Katwiran naman ni Martin, “Anne Curtis and to all the singers in this country, she has more passion, she has more honesty because she doesn’t claim to be Barbra Streisand, Celine Dion or Lani Misalucha.
Anne Curtis is one singer who I think knows the truth of her talent as a singer, but she has more drive, more passion than a lot of singers in this country, in fact she has more than a lot, so we should learn from Anne’s passion, we should never loose that passion.”
Naibahagi rin ni Martin na noong nagkaroon daw ng concert si Anne sa ibang bansa ay talagang lumapit ang TV host sa sound engineer at nagpakilala at sinabing show niya iyon at siya ‘yung nasa poster pero hindi raw siya marunong kumanta, “She told the sound engineer, ‘I’m not a good singer.’ Kaya panay daw ang senyas ng Concert King sa dalaga na tigilan na niya ang sinasabi nito.
“Kaya tumakbo ako sa sound booth and I told them that ‘she’s really a big star in the Philippines, but she claims that she’s not a good singer so, that’s her.’ See what I’m saying, no one beat that saying at the beginning of a sound check. Kaya Anne, ikaw lang.”
Abut-abot naman ang pasalamat ni Anne kina Lani at Martin sa magagandang sinabi sa kanya ng Himmigration Officers at sabay-sabay na nagsabing, “approved” para sa kanila si Anne bilang performer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.