Julia Montes waging best actress sa 2016 Gawad Tanglaw
ANG saya-saya ni Doble Kara lead actress Julia Montes dahil nanalo siya bilang Best Actress for TV sa nakaraang Gawad Tanglaw Awards 2016.
Napanalunan ng aktres ang papel na kambal bagay na mahirap gampanan, sabi nga ni Julia, “Isa pong karangalan na nabigyan po uli ng pagkilala ng Gawad Tanglaw. Taos-puso po akong nagpapasalamat at masaya na na-appreciate nila ang pagganap ko sa kambal.”
Matatandaang nanalo na rin noon si Julia ng best actress sa Gawad Tanglaw para sa seryeng Ikaw Lamang. Kuwento pa ni Julia tungkol sa Doble Kara, “Marami pang pagsubok at salpukan ang dapat abangan sa buhay ng kambal at lahat ng karakter ng show na siguradong kakapitan ng mga manonood.”
Nagpapasalamat din si Julia dahil sa patuloy na pagtutok ng mga manonood sa kanyang afternoon serye, kaya naman nananatili itong numero uno sa timeslot nito sa hapon. Samantala, base sa nakaraang datos ng Kantar Media ay nakakuha ang Doble Kara ng national TV rating na 17.2% noong Martes (Feb. 23) at mas mataas sa nakuha ng kalabang programang Wish I May ng GMA na nagtala ng 10.7%.
Sa pagpapatuloy ng mas umiinit na kuwento ng Doble Kara ay hindi hinayaan ni Lucille (Carmina Villaroel) na masira ang kanyang mga plano ng paghihiganti at nakipagbangayan kay Laura (Mylene Dizon) upang mabawi rito si Kara.
Ngunit hindi na magpapaloko pa si Kara at handa niyang harapin ang lahat ng pagpapahirap na ibabato sa kanila ni Lucille. Huwag palampasin ang kwento na magpapadama ng tunay na pagmamahal, Doble Kara, Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN Kapamilya Gold.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.