Sikat na lady director nagseselos kay Arci Muñoz? | Bandera

Sikat na lady director nagseselos kay Arci Muñoz?

Reggee Bonoan - February 19, 2016 - 03:00 AM

ARCI MUNOZ

ARCI MUNOZ

BAGO humarap sa entertainment media sina James Reid at Nadine Lustre ay nakatsikahan muna namin sandali ang isa sa direktor ng seryeng On The Wings Of Love si Antoinette Jadaone na ang ganda-ganda nu’ng oras na iyon dahil naka-dress na siya ay naka-stilleto pa.

Yes bossing Ervin, nanibago kami kay direk Tonet dahil nasanay kaming naka-flat shoes lang siya or naka-snicker, shorts and shirts lang. Kaya sabi namin kung nagbabagong-bihis na siya dahil sikat na siya.

“Ha-hahaha! Hindi, sa pictorial kasi namin, ang baba ko, lahat pantay, ako ‘yung pinakamaliit, so nag-ganito (nagbihis at stiletto) para makita sa picture.

“Naku, puyat nga, tatlong araw na akong walang tulog, puro in between, two hours or three hours lang ang tulog,” kuwento ng direktor sa amin.

Bati namin, hindi siya halatang puyat dahil ang ganda pa rin niya, “Naka-make up lang kaya hindi halata,” tumatawang hirit ni direk.

E, teka, kasalanan naman pala ni direk Tonet kaya siya walang tulog, akala naman namin ay dahil sa segue tapings niya ng On The Wings Of Love o bagong project na ginagawa.

“Kasi pumupunta rin ako sa set ni Dan (Villegas) after, may pelikula siya, eh, ‘yung kina Arci (Muñoz) at Gerald (Anderson) pagka-packup ko ng maaga, du’n ako dumidiretso,” kaswal na sabi ni direk Tonet.

“Ay part ka sa movie ni direk Dan,” balik-tanong namin sa lady director, “Wala, gusto ko lang nasa film set lang or nakiki-edit. Gusto ko lang nandoon, nanonood lang,” mabilis na sagot sa amin.

Nami-miss siguro ni direk Tonet si direk Dan o baka naman binabantayan niya ang kanyang partner dahil katrabaho nito ang seksing-seksing si Arci? “Ha-hahaha! Hindi! Gusto ko lang,” sagot ni direk Tonet.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending