Andre Paras mahilig maghubad sa harap ni Yassi Pressman | Bandera

Andre Paras mahilig maghubad sa harap ni Yassi Pressman

Reggee Bonoan - January 25, 2016 - 02:00 AM

yassi pressman

Dating suporta lang ang papel nina Andre Paras at Yassi Pressman sa mga pelikula nina James Reid at Nadine Lustre, kabilang na riyan ang blockbuster hit na “Diary Ng Panget.”

Pero ngayon, sila na nga ang ilo-launch ng Viva Entertainment at SMDC sa kanilang latest offering na “Girlfriend For Hire” kasama sina Shy Carlos, Don-nalyn Bartolome, Josh Padilla at Clint Bondad na unang directorial job naman ni Vanessa de Leon.

Sa ilang pagsasama na nina Andre at Yassi ay nakitaan sila ng magandang chemistry kaya pinagkatiwalaan na sila ng Viva at SMDC sa “Girlfriend For Hire” na isang Wattpad novel na may 68 million reads na.

Kaya ang tanong kina Andre at Yassi ng press, hindi ba sila pressured sa first lead role project nila lalo’t sobrang push sa kanila ng Viva na maging JaDine in the future.

“Sa totoo lang po, sobrang nakaka-pressure lalo na po dito sa industriya, lalo na kapag ganitong nabigyan ng pagkakataon na pagkakatiwalaan ng management, pagkakatiwalaan ng lahat ng taong may experience in the industry, talagang ang laking honor.

“Pangalawa, alam po namin na maraming expectations ang supporters at readers ng libro. Inaasahan po namin ang suporta nila, happy po kami,” say ni Yassi. Para naman kay Andre, “Of course may pressure, at the same time, minsan hindi pa rin nagsi-sink in sa akin kasi tingin ko sa ginagawa ko, iniisip ko ang saya, so I just wanna what I’m doing, so fun lang talaga. And so we worked hard for this.

“It’s not easy to make a film like this, proud ako because I’m not that pressure kasi I’m confident,” pahabol pa ng binata. Samantala, pam-pelikula lang ang tambalang Yassi at Andre dahi kapag sa TV, iba na ang ka-loveteam ng binatang anak ni Benjie Paras.

Apektado ba si Yassi rito? “Hindi naman po. Walang conflict kasi ‘yung sa amin ni Andre ay sobrang suporta ng fans namin at parati ko pong sinasabi, kahit po simula sa ‘Diary’ (Ng Panget) at ‘Wang Fam’ hanggang dito (Girlfriend For Hire) po, nandidiyan lang po sila lagi.

“Tapos po, ‘yung pagiging bless na lang ni Andre, mas nakikita ko ‘yung loveteam nila and it’s a blessing for him kaya sabi ko nga po, guwapo kasi ng ka-loveteam ko kaya i-demand siya. Hindi kop o nakikita na conflict po,” sey pa ng tisay na dalaga.

Tinanong din sina Andre at Yassi kung hindi pa ba sila nagkakadebelopan lalo’t pareho nilang i-namin na parati silang magkasama sa lakaran. “Of course, we both know na mag-entertain ng tao, magpakilig, but we’re focusing on our work.

Wala pa namang developan, but who knows in the future,” sagot ng binata. Hirit naman ni Yassi, “Gusto niya pinapansin ko siya lagi, naghuhubad ‘yan ng t-shirt sa harap ko, nagpapamacho, kaya sabi ko, ‘okay na’ at saka niya isusuot ulit ang shirt niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Totoo po, very guwapo, matangkad pa. Pero work lang po talaga, but we find time to be together.”
Kaya abangan na lang bos-sing Ervin kung may ma-develop na “picture” sa pagitan nina Yassi at Andre.

Pero sa trailer pa lang ng kanilang pelikulang “Girlfriend For Hire” na showing na sa Peb. 10, mukhang may laban naman ang chemistry nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending