Heart mas namukadkad bilang babae dahil kay Chiz | Bandera

Heart mas namukadkad bilang babae dahil kay Chiz

Ervin Santiago |January 22,2016
facebook
share this

Heart mas namukadkad bilang babae dahil kay Chiz

Ervin Santiago - January 22, 2016 - 03:00 AM

KUNG hindi pala na-discover na artista si Heart Evangelista malamang sikat na rin siyang visual artist ngayon.

Kwento ng misis ni Sen. Chiz Escudero, pinapagalitan daw siya ng kanyang mommy na si Cecile Ongpauco noong siya ay bata pa dahil mga dingding ng bahay nila ang ginagawa niyang canvas.

Ipinagtatanggol naman daw siya ng kanyang Daddy Rey that time, ayon kay Heart.

“Let her do what she wants, she is going to be an artist someday,” natatawang sabi ni Heart, habang inaalala ang sinabi ng kanyang ama na close na close na ngayon sa kanyang asawang senador.

Ani Heart, tuwing summer daw ay ipinapasok siya ni Mr. Ongpauco sa short courses sa Ayala Museum upang lalo siyang mahasa sa pagpipinta. Thirteen years old na siya noong pormal siyang turuan ng tanyag na artist na si Ivan Roxas tungkol sa pagpipinta.

Ngayon unti-unti nang nakikilala si Heart sa larangan ng visual arts bilang si Love Marie, ang totoong pangalan ni Heart. Sa katunayan, gaganapin mula Enero 30 hanggang Peb. 10 ang kaniyang pangalawang solo exhibit sa Ayala Museum na pinamagatang “Oceans Apart.”

Di rin maitatanggi na maganda ang impluwensiya ni Chiz kay Heart dahil mas lalo nitong ma-develop ang kanyang talent sa sining mula nang ikasal sa senador last year.

“I think, as a woman, I blossomed more when I got married,” sabi ni Heart sa panayam ng Good Housekeeping magazine kung saan siya ang cover girl sa January-February issue.

Bukod sa art exhibit, naging busy rin si Heart sa Jan. 18 Fashion Show Gala nila ng designer na si Mark Bumgarner sa Dusit Thani Ballroom kung saan irarampa ang 40 elegant dresses, kasama rito ang 15 gowns na hand-painted mismo ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending