Dyowang foreigner ni Solenn hindi pinagselosan si Derek | Bandera

Dyowang foreigner ni Solenn hindi pinagselosan si Derek

Reggee Bonoan - January 22, 2016 - 03:00 AM

SOLENN HEUSSAFF

SOLENN HEUSSAFF AT NICO BOLZICO

IBINUKING ni Solenn Heussaff na may eksenang “doggie position” sina Derek Ramsay at Kiray Celis sa pelikula nilang “Love Is Blind” na kinunan sa beach at iniisip nila kung papasa ito MTRCB.

Sa kuwento ng “Love Is Blind”, si Solenn ang ex-girlfriend ni Derek na iniwan siya dahil sa ugali nito at dahil patay na patay naman si Kiray sa aktor kaya ginayuma niya ito.

At sa tuwing makikita ni Derek si Kiray ay si Solenn ang nakikita niya, pero sa ibang tao, ang bulilit na aktres ang nakikitang kasama ng aktor. Kaya sa tanong kung anong feeling ni Solenn ngayon na may kissing scene sila ni Derek, “Mas sila (ni Kiray) kasi nga ginayuma niya si Derek,” sabi ng dating girlfriend ng aktor.

Samantala, maganda ang relasyon ngayon nina Solenn at Derek at wala naman daw silang pinagsisihan sa paghihiwalay nila dahil naging meaningful naman ang apat na taon nilang relasyon.

Hindi lang daw talaga umubra ang long distance relationship nila dahil nu’ng naging sila ay nasa ibang bansa si Solenn at nag-aaral samantalang si Derek ay narito sa Pilipinas at nagsisimula ng kanyang career.

Sabi ni Solenn sa siyam na taon nilang hiwalay na ni Derek ay civil sila at sa tuwing magkikita sila ay okay sila, “Ito ‘yung first time (sa pelikula) na we had a conversation, nu’ng ialok sa akin itong movie hindi ko alam na si Derek ang leading man ko, nalaman ko lang after, I’m happy naman,” kuwento ng sexy actress.

Natanong din kung ano ang naging reaksyon ng kasalukuyang karelasyon nina Derek at Solenn na magsasama sila sa pelikula.

“For me, hindi niya (Nico Bolzico) alam ‘yung mga projects na mayroon ako, but when I knew that Derek is my leading man in the movie, sinabi ko naman sa kanya, sabi niya, ‘that’s your decision, that’s your work, kung ready ka do it’, so yun,” kuwento ng aktres sabay sabing hindi naman daw nagselos ang kanyang BF kay Derek.

Sa parte naman ni Derek, “She knew naman Solenn and nothing to worry about, my partner naman knows how special she is to me and to my entire family so nothing to worry about.”

Mapapanood na ang “Love Is Blind” sa Pebrero 10 mula sa Regal Entertainment na idinirek ni John Paul Laxamana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending