‘Paloma’ pasadong sexy star, pak na pak sa madlang pipol | Bandera

‘Paloma’ pasadong sexy star, pak na pak sa madlang pipol

Reggee Bonoan - January 21, 2016 - 02:00 AM

coco martin

Madadagdagan ang hirap ng misyon ni Cardo (Coco Martin) sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil bukod sa mga sindikato, kailangan niya ding itago ang kanyang pagpapanggap sa kanyang mga mahal sa buhay.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, madidiskubre ni Onyok (Xymon Pineda) ang ilang gamit pambabae sa kuwarto ni Cardo na magdudulot naman ng paghihinala mula kay Lola Flora (Susan Roces).

Nakararamdam na rin ng pagdududa si Glen (Maja Salvador) sa misyon ni Cardo kaya naman mas magiging interesado itong malaman ang detalye ng kasong hinaharap ng kaibigan.

Samantala, tuloy pa rin sa pag-kidnap ng mga kababaihan ang grupo ni Olga (Gina Pareño) at ang pinakabago nga nitong biktima ay si Elaine (Dawn Chang), isang saleslady.

Bilang si Paloma, paano maililigtas ni Cardo ang mga kababaihan sa kamay ng sindikato?
Mapagtagumpayan kaya ni Cardo ang kanyang misyon? Huwag palampasin ang mga ma-aksyong tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.

Tuwang-tuwa kami sa mga nababasa naming komento ng netizens tungkol kay Paloma, sikat na sikat na rin kasi ang karakter na ito ni Coco sa Ang Probinsyano at marami nga ang nagsasabi na pasadung-pasado siyang maging sexy star dahil sa ganda at kaseksihan ni Paloma.

Mismong ang leading lady na nga niya sa serye na si Maja Salvador ang nagsabi na nakaka-insecure ang ganda ni Paloma.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending