Maja maligaya kahit walang bagong dyowa | Bandera

Maja maligaya kahit walang bagong dyowa

Reggee Bonoan - January 19, 2016 - 02:00 AM

maja salvador

Nakita namin si Maja Salvador sa pa-dinner ng isang kaibigan at tinanong namin kung hindi ba siya nai-insecure kay Paloma, ang ginagampanan ngayong papel ng leading man niya sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin.

Natawa lang ang aktres at sabi niya, “Pinost ko nga sa Instagram ko, ‘apir Paloma, kinabog mo lahat! #AngProbinsyano.’ ‘Yung mas maganda pa si Coco Martin kaysa sa ‘yo.”

Nabanggit din ni Maja na hindi pa niya nakikita nang personal si Paloma dahil hindi pa niya ito nakakaeksena, “Hindi ko pa siya nakikitang naka-Paloma, sa litrato lang at napapanood ko.

Wala kasi kaming eksenang magkasamang naka-Paloma siya kaya hindi ko alam ang sasabihin ko,” sabi ng aktres. Pero aminado si Maja na maganda nga raw si Coco, “Oo, kasi pati legs niya ‘no, ang kinis.”

Samantala, natuwa si Maja na extended ang FPJ’s Ang Probinsyano hanggang Hulyo 2016, “Oo nga, ang saya, pero ang kontrata ko kasi sa Probinsyano ay hanggang Pebrero lang, madali naman ‘yun.”

Ibig sabihin ay puwedeng i-extend naman ng aktres ang kontrata niya sa nasabing serye ng Dreamscape Entertainment. Tinanong din namin kung kumusta ang puso niya ngayon, “Heto single pa rin, pero masaya naman,” nakangiting sabi ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending