Solenn Heussaff: Maghuhubad pa rin ako kahit may asawa na!
HINDI ikinasal si Solenn Heussaff sa Argentinian boyfriend nitong si Nico Bolzico noong Disyembre, 2015 tulad ng mga naunang napabalita.
Sabi ng leading lady ni Dennis Trillo sa pelikulang “Lakbay2Love” nang makausap namin siya, “We just celebrated in Argentina because I haven’t seen Nico’s parents for two years. It’s a celebration lang.”
Ginawa raw ang nasabing selebrasyon dahil nu’ng nag-propose ang boyfriend niya ay walang naganap na celebration. Si Isabelle Daza ang nag-post ng mga litrato nina Solenn at Nico sa Instagram kung saan makikitang nakasuot ng puting damit si Solenn, ganu’n din ang iba pa nilang mga kaibigan kabilang na sina Bubbles Paraiso at Anne Curtis.
“Loko-loko ‘yang si Isabelle, eh! Ha-hahaha!” sabi ni Solenn. “Isi-share ko lahat pag nangyari na ang ‘walking down the aisle’. Matagal pa ‘yan. Isi-share ko rin ‘yan,” sabi pa ng aktres, Paano nga naman hindi mapagkakamalang ikinasal si Solenn, e, may hawak pa siyang bulaklak sa mga litrato nila ni Nico, “But it was only for Argentinians, ‘yung nangyari,” hirit ulit ni Solenn.
At maski may asawa na raw si Solenn ay walang magbabago sa mga ginagawa niya, “Walang nabago, maghuhubad pa rin ako. Ha-hahaha! Joke! Feeling-wise, same, same. I am still the same. Maghuhubad pa rin ako sa stage. Magpu-pose pa rin ako nang sexy.
Solenn forever!” pahayag ng aktres. Gusto ni Solenn ay sa France sila magpakasal ng kanyang boyfriend, “When the big day happens, I promise that GMA will be the one to cover,” diretsong sabi ng dalaga.
Samantala, sobrang enjoy daw si Solenn sa shooting ng pelikula nila ni Dennis “Lakbay2Love” dahil nga bukod sa nakapag-exercise sila ni Dennis dahil biker/forester (papel ng aktor) ay may kinalaman pa sa environment ang tema ng kuwento.
“The story is very cute and may global warning, climate change. It’s a movie fitness, love and finding yourself,” sabi ni Solenn. Nakita rin daw niya na maraming klase pala ang bisikleta, “Hindi ko alam na ganu’n pala karaming bike types, during the filming of the movie, we shot sa isang vintage store, so lahat ng klaseng bikes nandoon, real ones like first world war, that was so fascinating to see all those bike types na may pro-women pala kasi naka-skirt sila rati, so it was very interesting for me to learn more of that.
“Now, I want to go to places to bike. When I go travel (abroad), I want to bike around, coz it’s the easiest to discover the city or place. And part of it, exercise na rin,” kuwento ng aktres.
Ang gustung-gusto raw na eskena ni Solenn sa movie ay ang eksenang umakyat sila sa Mt. Maranat (Rodriguez, Rizal) “Yes, nag-hike kami for 13 hours to shoot one scene, walang trail halos, tapos may tubig pa, then we went to this devastated forest na wala ng puno, and some of the forester that lives there were helping to keep-off the weeds, very sad actually.”
May screening ang “Lakbay2Love” sa Enero 29, 5 p.m. sa Quezon Hall Amphitheatre na suportado rin ng La Mesa Ecopark, 7-Eleven, Timberland Heights, Firefly Brigade at Cordillera Conservation Trust.
Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Ellen Ongkeko-Marfil mula sa Erasto Films.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.