Angel nanguna pa rin sa Darna survey: Nakakaiyak po talaga!!! | Bandera

Angel nanguna pa rin sa Darna survey: Nakakaiyak po talaga!!!

Reggee Bonoan - January 15, 2016 - 03:00 AM

ANGEL LOCSIN

ANGEL LOCSIN

KUMPIRMADONG si Erik Matti na nga ang magdidirek sa pagbabalik sa big screen ng “Darna” na ipalalabas na rin ngayong 2016.

Sa Instagram post ng direktor pinahulaan niya sa kanyang followers kung sino ang gaganap sa bagong Darna movie kung saan nag-post din siya ng larawan ng isang babaeng naka-hoodie na labas ang ilong at bibig.

Nabanggit din na sinadya talagang ilabas ang teaser ng “Darna” ng Star Cinema sa mga sinehan sa kasagsagan ng MMFF para sa survey na isinasagawa kung sino ang gusto ng publiko na magbida rito.

Nasulat na namin dito na si Angel Locsin pa rin ang gaganap na Darna dahil siya pa rin ang gusto ng mga tao. At sa ginanap ngang audition para sa Pilipinas Got Talent Season 5 ay sinabi ni Angel sa TV

Patrol na nakakatuwang malaman na siya pa rin ang nire-request ng mga tao na mag-Darna.

“Nakakaiyak. Siyempre, ‘yung pinaghirapan ko rin naman iyon sa ginawa ko. Kaya nakakatuwa na tumatatak pa rin sa tao. ‘Di ko makakalimutan ‘yung pagmamahal na binigay nila,” sabi ng aktres sa nasabing panayam.

Sa tanong kung posible bang siya pa rin ang bibida sa Darna, “Hindi ko po alam. Ewan ko po.”

Kung talagang hindi na si Angel ang magda-Darna, madali niyang sabihing, hindi na siya dahil nga sa kanyang sakit sa spine. Pero bitin pa rin ang kanyang tugon kaya posibleng siya pa rin ang bibida sa nasabing pelikula.

Anyway, successful ang ginanap na unang araw ng PGT5 auditions dahil talagang dinumog ito ng mga Pinoy na gustong mag-try ng kanilang swerte sa showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending