JaDine paliligayahin ang OTWOListas sa Middle East | Bandera

JaDine paliligayahin ang OTWOListas sa Middle East

Reggee Bonoan - January 14, 2016 - 02:00 AM

james reid

MULING lumipad sina James Reid at Nadine Lustre sa San Francisco, California kung saan nagsimula ang kanilang pag-iibigan sa hit primetime series na On the Wings of Love.

Binisita ng engaged couple sa ikalawang pagkakataon ang Palace of Fine Arts na isang espesyal na lugar sa kanilang love story dahil dito inalok ni Leah si Clark na pakasalan siya para makakuha ng green card.

Mas pinag-uusapan ngayon ang kahihinatnan ng pag-iibigang Clark at Leah dahil sa muling pagbalik nila sa San Francisco. Hindi rin dapat bumitaw ang avid fans ng On the Wings of Love sa inaabangang malaking rebelasyon ni Leah na buhay pala ang kanilang Nanang (Isay Alvarez-Sena).

Nakatakda nang aminin nina Leah at Tiffany (Bianca Manalo) kay Tatang Sol (Joel Torre) ang totoong nangyari sa inang inakala nilang namayapa, na magdudulot ng pagkagalit ni Tatang.

Magiging sanhi rin ang rebelasyon sa muling pagkikita ng magulang ni Leah pagkatapos ng mahabang panahon. Ano ang magiging epekto ng pagkikita nina Tatang at Nanang sa kasalang Clark at Leah?

Samantala, nagpakilig din sina James at Nadine sa libo-libong fans sa Sacramento Memorial Auditorium sa ginanap na “On the Wings of Love Certified Fans Day.”

Malakas ang hiyawan ng solid fans ng makita ang paboritong love team magpamalas ng kanilang galing sa pagsayaw at pagkanta. Lilipad din sina James at Nadine sa Middle East sa Marso para sa “JaDine in Love: The World Tour” ng TFC kung saan handog nina James at Nadine ang isang unforgettable concert experience sa diehard fans nila sa Qatar at Dubai.

Huwag palampasin ang mga kaganapan sa On the Wings of Love, Lunes hanggang Biyernes after ng Pangako Sa ‘Yo sa ABS-CBN Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending