‘Haunted Mansion’ nina Janella, Marlo at Jerome ipinalabas nang hatinggabi | Bandera

‘Haunted Mansion’ nina Janella, Marlo at Jerome ipinalabas nang hatinggabi

Reggee Bonoan - December 22, 2015 - 02:00 AM

janella salvador

ANG sarap palang manood ng advanced screening ng alas-dose ng hatinggabi dahil wala kang susuunging trapik at higit sa lahat, walang masyadong tao.  Hmmmmm, sana mauso na next year ang midnight screening. He-hehehe!

Anyway, hatinggabi kasi ini-schedule ni Mother Lily Monteverde at anak nitong si Roselle Monteverde-Teo ang screening ng “Haunted Mansion” nitong nakaraang weekend sa Greenhills Theater na entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.

At dahil nga alam mong hatinggabi na kaya ramdam na ramdam ang takot sa loob ng sinehan habang pinapanood namin ang “Haunted Mansion.”  Actually, nakakagulat ang mga eksena ni Iza Calzado bilang si Amara at ang gumaganap na kapatid nito sa kuwento na si LJ Reyes kaya napapapikit talaga kami kapag sila na ang ipino-focus sa screen.

Dinig na dinig naman namin ang hiyawan ng mga nanonood kapag nanggugulat na ang mga bida.
Nakakatakot at nakakagulat talaga ang pagkakalapat ng tunog ni Francis Concio na unang beses nakatrabaho ni Direk Jun Lana.

Puring-puri nga nito ang anak ni outgoing ABS-CBN President and CEO, Ms. Charo Santos-Concio.
May third eye ni Janella Salvador sa pelikula bilang si Ella at dahil marami siyang nararamdaman at nakikita sa kanyang paligid kaya napagkakamalan siyang weird ng mga mean girls sa school na sina Devon Seron, Ingrid dela Paz at Eliza Pineda na effective sa kanilang mga papel.

Bestfriend ni Janella si Sharlene San Pedro na tagapagtanggol niya sa mga mean girls and at the same time, tagalakad sa dalawang lalaking may gusto sa kanya sa school na ginagampanan nina Jerome Ponce bilang si Jacob at Marlo Mortel as Adrian.

Si Lilet aman ang nanay ni Janella sa kuwento habang si Allan Paule ang namatay niyang na ama sa isang nangyaring kababalaghan. Nagsimula ang kuwento ng “Haunted Mansion” nang magkaroon ng retreat ang buong klaseng tinuturuan nina Janice de Belen at Sue Prado sa Mansion House (pag-aaring tunay ng Marcoses na matatagpuan sa Tagaytay via Casile Road).

Sina Iza at LJ ang may-ari ng mansion na umiibig sa hardinero nilang si Joem Bascon. Nagkaroon ng bunga ang kanilang pagmamahalan na ikinagalit ni Iza kaya sinaktan niya nang husto si LJ at ikinalat pang ni-rape siya ni Joem na nagtago naman dahil sa takot na makulong.

Hanggang dito na lang ang pwede naming ikuwento para naman may suspense kapag pinanood n’yo ang pelikula sa Dec. 25. Maganda ang pagkakalahad ng kuwento ng “Haunted Mansion” pati na ang pagkakagawa ng mga nakakatakot ng eksena.

Samantala, naaliw kami sa kuwentong galit na galit na raw si Mother Lily kay Jun Lana dahil magastos raw ang direktor, napakarami raw kasi nitong hinihingi para mas lalong mapaganda ang pelikula.

Kasi naman biglang bumaha sa paligid ng Mansion gayung hindi naman umuulan o bumabagyo nu’ng i-shoot ang pelikula na u-mabot sa 26 days. Paano nga naman nagkaroon ng baha roon na umabot hanggang beywang?

“Naghukay ng lupa hanggang baywang at saka binuhusan ng tubig ang buong paligid, hindi mo naman puwedeng dayain kasi mahahalata, kaya doon palang, magastos na. “Plus effects pa dahil hindi naman puwedeng pasabugin at sunugin mo talaga ang mansion,” kuwento ng partner ni direk Jun na Perci M. Intalan.

Binalingan namin ng tanong si Mother Lily kung magkano ang production cost ng “Haunted Mansion”, sagot niya sa amin, “Sobrang mahal, kasi si Jun mahal (magdirek)!” Panalo rin ang technical aspect ng “Haunted Mansion” dahil forte talaga ito ni direk Jun Lana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bumagay naman kay Janella ang role niya sa kanyang launching movie dahil marunong naman talaga siyang umarte at ang ganda rin ng rehistro niya sa mala-king telon na may anggulong Julia Barretto sa ilang eksena niya sa pelikula.

Kasama rin dito sina Dominic Ochoa, Phytos Ramirez, Paulo Gumabao at Vangie Labalan.
Kaya sa mga mahihilig sa suspense-horror, isama n’yo na sa listahan ng mga pelikulang panonoorin n’yo sa darating na MMFF 2015 simula sa Dec. 25 ang “Haunted Mansion” ng Regal Entertainment dahil si-gurado kaming hindi kayo magsisisi at hindi masasayang ang perang ibabayad ninyo sa mga sinehan, pramis!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending