Jasmine Curtis napiling leading lady ni Richard sa Ang Panday ng TV5
Mukhang iiwanan na ni Jasmine Curtis ang game show ng TV5 na Happy Truck ng Bayan na napapanood tuwing Linggo. Sa nakaraang Kidsmas Party ng TV5 para sa entertainment press na ginanap sa Novotel, Araneta Center, Cubao kamakailan ay narinig naming may bagong show si Jasmine bukod pa nga sa Ang Panday kung saan magiging leading lady siya ni Richard Gutierrez.
Pagkatapos kasi ng speech ng bagong entertainment head ng TV5 na si Viva boss Vic del Rosario ay saka namin narinig ang tsika tungkol sa career ni Jasmine. Hmmmm, ito kaya ang dahilan kaya hindi na rin namin gaanong napapanood si Jasmine sa Happy Truck Ng Bayan?
Tinext namin ang manager ng sister ni Anne na si Betchay Vidanes kung aalis na ang dalaga sa Sunday variety show ng TV5? “Wala pa namang instructions from TV5 kung aa-lisin na kami,” sagot sa amin ni Betchay.
Sa tanong namin kung bakit laging wala si Jasmine sa Happy Truck Ng Bayan, “Mayroon ka-sing previous commitment si bagets, wait lang kami ng instructions pag sinabi ng TV5 na gagawa siya ng ibang project, sunod lang kami.”
So maliwanag na waiting lang sina Betchay at Jasmine sa sasabihin ni boss Vic. Susme, if ever na aalis na si Jasmine, sino pa ang matitirang kilalang host na matitira sa Happy Truck Ng Bayan? Wala na nga si Mariel Rodriguez at balitang lilipat na rin sa ABS-CBN si Gelli de Belen sa pagpasok ng 2016.
Ayon sa mga naglabasang balita balak daw pagsama-samahin uli ng Dos sina Gelli, Carmina Villaroel at Janice de Belen sa isang show next year.
Buti na lang nandiyan pa rin sina Derek Ramsay, Janno Gibbs, Tueday Vargas, Empoy at Ogie Alcasid na todo effort para mas mapalakas pa ang HTNB, kasama ang mga produkto ng Artista Academy na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsa-shine maliban kay Mark Neumann.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.