Lloydie hinuhulaang magwawagi bilang best actor sa MMFF 2015
Masayang-masaya si John Lloyd Cruz sa darating na Metro Manila Film Festival 2015 dahil makakasama na nga siya sa parada para sa pelikulang “Honor Thy Father” ng Reality Entertainment.
Sabi ng aktor, “Excited akong mag-participate sa MMFF kasi first time ko na Christmas season na may trabaho, so para maiba, okay din.” Mukhang si Lloydie raw ang mananalong Best Actor sa darating na MMFF awards night, “More than anything talaga, it’s not the awards, it’s not the box-office or kita, ang sa akin pinaka-excited ako sa fact na mayroong ganitong tema ng pelikula na part ng MMFF, gusto kong makita kung paano siya tatanggapin ng audience.
“Especially ang audience ng MMFF parang wala kasing ipinalalabas na ganitong tema. “After a while in the business, parang nage-evolve na yata and nagkakataon na doon ako tinatangay o doon napupunta sa gusto ko.
Pero hindi ibig sabihin na hindi na ako gagawa ng feel good movies natin. Bahala na sa ABS, or variety, kasi baka magsawa rin ‘yung mga tumatangkilik sa ‘yo,” sabi ni JLC. Nabanggit ni Lloydie na maski raw sure hit lagi ang mga pelikulang romantic co-medy na nagawa na niya ay may kaba pa rin.
“May kaba pa rin, kahit naman sa rom-com, may kaba. Itong ‘A Second Chance’ nga, hindi naman namin ini-expect na magiging big hit, in the end, hindi mo pa rin masusukat ang audience,” sey ng aktor.
Samantala, mula sa isang reliable source, ang pelikulang “A Second Chance” ay literal na second chance na talaga ni John Lloyd dahil kamuntikan na siyang magpahinga sa showbiz dahil na-depress siya sa resulta ng “The Trial” na break even lang sa takilya.
Pahayag ng aktor, “Hindi iyon (pagkakasabi), you know, after a while, ilang taon na ako sa (showbiz), mahigit kalahati ng buhay ko, nandito na ako sa ABS-CBN, 1997, siyempre, kailangan mong…minsan kasi hindi madaling sumakay sa transition, minsan hindi mo alam kung saan ka na lulugar, minsan hindi mo alam kung saan direksyon.
“‘Yun ‘yung sinasabi ko na ganu’ng konteksto ko siya nabanggit. Ang career naman namin (mga artista), minsan nandidiyan ka, minsan wala, di ba? Ang importante, every chance you get, i-enjoy mo and do your best,”aniya pa.
Nag-react din si Lloydie tungkol sa balitang ayaw na niyang magdrama sa telebisyon dahil nga hindi masyadong kinagat ng manonood ang hu-ling serye nila ni Bea na A Beautiful Affair kasama si John Estrada kaya raw mas type niyang mag-comedy na lang tulad ng Home Sweetie Home nila ni Toni Gonzaga.
“Sa planning kasi, mas call nila (ABS-CBN), kasi di ba, mayroon tayong commitment sa kontrata natin, kailangan nating i-honor ‘yun, di ba? “Siguro napapansin ko lang sa akin, lagi akong naghahanap ng gagawin ko, kahit na anong gawin ko, gusto ko talaga ‘yung gustung-gusto ko siyang gawin.
Kahit na anong bagay na gawin ko, (dapat) gusto ko talaga siya,” katwiran ng aktor. Sa nakaraang world premiere ng “Honor Thy Father” ay nagpahayag ng pagkalungkot ang aktor dahil napirata na pala ito at nalaman lang niya nang banggitin sa kanya ng ilang kababayang Pinoy na ang ganda raw ng pelikula at ang galing ng aktor.
“Nakakataka kasi, kinabukasan pa ipala-labas, so paano nila nalaman ang istorya, napirata na pala, nakalulungkot lang,” kuwento ng binata. Sabi pa nito, “Ganu’n naman talaga, kasi pelikula mo ito, so pinaghirapan mo tapos ganu’n lang.
Ako, parang wala akong ma-gagawa kasi hindi natin area (Optical Media Board) ‘yan, so dapat ‘yan ang trabaho ng mga nakaupo.” Nakatanggap naman ng positibong reviews ang “Honor Thy Father” sa nakaraang 2015 Toronto International Film Festival mula sa Hollywood reporters.
Nang mapanood din ito ni Lloydie sa nakaraang Cinema One Originals sa Trinoma kamakailan ay nagulat mismo ang aktor dahil ang ganda pala ng pagkakadirek ni Erik Matti at kaya pala nabigyan ito ng Grade A sa Cinema Evaluation Board.
Kasama rin ni Lloydie sa “Honor Thy Father” sina Tirso Cruz III, Dan Fernandez, Boom Labrusca, Khalil Ramos, William Martinez at Yayo Aguila. Excited din si John Lloyd bilang isa sa producer ng pelikula dahil kasosyo siya rito ng Reality Entertainment.
Samantala, sa tanong kung masaya ba si Lloydie sa darating na Pasko ay makahulugan ang naging sagot niya, “Sana nga masaya talaga.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.