Kris problemado sa promo ng ‘All You Need Is Pag-Ibig’
NAKATSIKAHAN namin si Alvin Gagui, personal assistant ni Kris Aquino tungkol sa pagbabawal ng doktor sa Queen of All Media na magsalita sa loob ng limang araw.
Si Alvin ang kinausap namin tungkol sa promo ng “All You Need Is Pag-Ibig”, makakasama pa ba ang TV host-actress sa darating na weekend kung saan magkakaroon nga ng mall show sa Sabado sa SM MOA at StarMall; Linggo sa Fishermall at SM Manila bukod pa sa TV promo ng buong cast.
‘Yun din daw ang pinoproblema ni Kris sabi sa amin, “Yun nga, eh, paano kaya ‘yun? Wala talaga siyang boses maski na gusto niyang magpa-interview.” Hinihiritan kasi namin bossing Ervin ng interview si Kris kasi nga hindi na siya magkakaroon ng solong presscon para sa “All You Need Is Pag-Ibig” dahil nga absent siya sa nakaraang grand presscon ng pelikula.
Nabanggit din ni Alvin na may Kris TV taping pa nga sila sa Baguio City ngayon at pagkatapos ay diretso sila ng Tarlac at Pampanga. At dahil nasa bahay lang si Kris at hindi nagsasalita ay inasikaso na lang niya ang mga ipangreregalo niya at pang-last day ni Bimby sa shooting ng “All You Need Is Pag-Ibig” noong Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.