Love scene nina Charo at Boyet agaw-eksena sa Cinema One Originals
Nakatutuwang tingnan na muling nagsama-sama pagkalipas ng 35 taon sina ABS-CBN President at CEO Charo Santos-Concio, mga aktor na sina Christopher de Leon, Leo Martinez at Buboy Garovillo kasama ang aktres na si Nanette Inventor at iba pang kasama sa Pinoy classic film na “Kakabakaba Ka Ba?” sa ginanap na special screening ng Cinema One Originals para sa world premiere ng digital restored version ng pelikula sa Trinoma kamakailan.
Sayang nga at hindi na i-nabot nina Johhny Delgado at Jay Ilagan ang digital restored ng movie, pero dumalo si Ina Feleo bilang representative ng ama at si Rafa Siguion Reyna para sa lolang si Ms. Armida Siguion-Reyna.
Hindi rin nakasipot si Sandy Andolong na kasama rin sa pelikula dahil nagpapahinga raw ayon mismo sa asawang si Boyet. Ayon kay Ms. Charo, reluctant siya noong una na muling ipalabas ang “Kakabakaba Ka Ba” dahil nga mapapanood ang love scenes nila ni Christopher pagkalipas ng 35 years.
Actually, nu’ng ipakita na ang nasabing eksena ay wala namang nag-comment ng hindi maganda bagkus ay tawanan lang ang narinig namin buhat sa kinauupuan ng mga bida. Nakakatuwa kasi hindi mo ini-expect na ang Presidente at CEO ngayon ng ABS-CBN ay nakagawa ng mga ganu’ng eksena.
Samantala, napuri naman ni Ms. Charo ang direktor na si Mike de Leon dahil sa magandang kuwento at musika ng nasabing pelikula. Ibinahagi rin ni Cinema One channel head Ronald Arguelles na layunin ng ABS-CBN film restoration na maipalabas ang Filipino classic films para sa nakababatang henerasyon.
Ang digital restored version ng “Kakabakaba Ka Ba?” ay magkakaroon ng li-mited theatrical run sa unang bahagi ng 2016, kaya abangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.