Jennylyn: Hindi ako umaasang magiging best actress uli sa 2015 MMFF!
Muli kayang masungkit ni Jennylyn Mercado ang Best Actress trophy ngayong 2015 Metro Manila Film Festival para sa pelikula nila ni Jericho Rosales na “#Walang Forever” na idinirek ni Dan Villegas produced ng Quantum Films, MJM Productions, Inc., Tuko Films Productions at Buchi Boy Films.
Si Jennylyn kasi ang nanalong best actress noong 2014 sa MMFF para sa “English Only Please” kasama si Derek Ramsay na idinirek din ni Dan.
Kaya malaking hamon ito sa aktres, pero inunahan na niya ang entertainment press sa ginanap na grand presscon ng “#Walang Forever” na hindi siya nage-expect dahil magagaling at magaganda rin ang mga kalaban nila this year.
Kakaibang karakter naman daw ang gagampanan ni Jennylyn bilang si Mia Nolasco na malayo sa papel niyang si Tere sa “EOP” na isang kikay. Drama ang kuwento ng “#Walang Forever” at isang manunulat dito si Mia na nagkaroon ng problema sa boyfriend niyang si Jericho.
Samantala, kilalang mahilig sa sports si Jen at sa katunayan ay nakasali na siya dati sa isang triathlon competition pero hindi nanalo kaya try ulit siya sa nalalapit na Ironman Cebu 2016 at ito ang pinaghahandaan niya ngayong tapos na ang shooting ng “#Walang Forever.”
At dahil dito ay inisponsoran and at the same time ay kinuhang endorser na rin si Jennylyn ni Mr. Jerry Tiu (daddy ni Chris Tiu) na distributor ng Trinx Bike.
Napahanga ni Jennylyn si Mr. Tiu nang nag-survey sila sa outlets nila nationwide at sa mga consumers ng mga gusto nilang triathlete celebrities, nag-top daw dito ang aktres.
Nabanggit din ng Trinx Bike distributor na si Jen lang ang una at nag-iisang gusto nilang endorser at sa presscon nga ng entry ni Jen sa MMFF ay nagparapol sila ng dalawang unit. Kaya hindi na kami magtataka kung may eksena ang aktres sa “#Walang Forever” na naka-Trinx bike.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.