Alex: Mabubuhay naman ako kahit walang sex!
Mukhang guguluhin ni Alex Gonzaga ang honeymoon ng ate Toni niya at asawa nitong si direk Paul Soriano. Kasama kasi ang bida ng pelikulang “Buy Now, Die Later” sa first out of the country trip ng mag-asawa sa New York at San Francisco, USA.
Sa mga nasabing lugar daw magse-celebrate ng Bagong Taon ang tatlo. Kuwento nga ni Alex na si direk Paul pa nga raw ang nag-reserve ng kuwarto niya next sa kuwarto nilang mag-asawa sa kilalang hotel sa New York.
Biniro nga ng mga katoto si Alex pagkatapos ng presscon ng “Buy Now, Die Later” na baka mainggit siya sa mag-asawa kasi nga magkatabi lang ang kuwarto nila. “Hello? Tingin n’yo naman, hindi ako nagpalagay ng CCTV? Chos!” natawang sabi ng aktres.
Pero hindi na raw naiinggit si Alex sa ate niya dahil nga namumulaklak ang mundo niya ngayon dahil sa Chinese guy na si Carlo Chungunco na balitang boyfriend na niya ngayon. Sabi ng mga katoto sa dalaga, masaya nga siya pero wala namang sex life.
Sagot ni Alex, “Mabubuhay ka naman na walang ano (sex). Magtu-27 na ako, nabuhay ako na walang gano’n. Mamamatay ako na puwede ako na walang gano’n.” At pag kasal na siya saka na lang daw siya babawi, “Oo, todo.”
Sa tanong kung kailan niya ipapipitas ang “bulaklak” niya, “Mamaya, mamaya (pagkatapos ng presscon). Ha-hahaha!” tumatawang sabi ulit ng singer-actress. Aware naman daw si Alex na natutuyot rin ang bulaklak, “Oo naman.
Kaya kailangan, dinidiligan.” Samantala, may curfew si Alex kapag nagdi-date sila ni Carlo, “Hanggang 12 midnight.” At sa tanong kung boto sina daddy Carlito at mommy Pinty sa rumored boyfriend niya, “Hindi lang daw sila boboto kapag lumampas kami sa curfew,” sagot ng aktres.
Sa tanong kung paano nakilala ni Alex si Carlo, “‘Yung common friends ng friends nila, ipinakilala kami.” Base Facebook account ng guy ay litrato nila ni Alex ang nakalagay sa profile picture nito, kaya naniniwala kami na magsyota na ang dalawa.
Purong Chinese si Carlo at tapos ng BS Psychology at kasalukuyang kumukuha ng Law sa Ateneo de Manila University, mahilig din ito sa sasakyan at anak-mayaman.
Hindi na nag-elaborate pa si Alex sa pagkakakilalanlan ni Carlo dahil ilalagay daw niya ito sa librong sinusulat niya tungkol sa dating. Anyway, bukod kay Alex ay kasama rin sina Vhong Navarro, John Lapus, Rayver Cruz, Markki Stroem, Janine Gutierrez, TJ Trinidad at Lotlot de Leon sa MMFF 2015 entry na “Buy Now Die Later” mula sa direksyon ni Randolf Longjas handog naman ng Quantum Films, MJM Productions, Inc., Tiko Film Production at Buchi Boy Films.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.