Alex: Isa lang naman ang nagustuhan kong dugyot!
Naiintriga kami sa horror movie na “Buy Now, Die Later” mula sa Quantum Films, MJM Productions, Inc., Tuko Films Productions at Buchi Boy Films na idinirek ni Randolf Longjas.
Limang istorya ang nakapaloob ng pelikula: ang “Masid”, “Sarap”, “Dinig”, “Halimuyak” at “Kanti” na magkakakonek ang mga karakter. Bida rito sina Alex Gonzaga, TJ Trinidad, Rayver Cruz, John ‘Sweet’ Lapus, Lotlot de Leon, Janine Gutierrez at Vhong Navarro.
Naalala namin ang pelikulang “Cinco” ng Star Cinema na ipinalabas noong 2010 na may limang episode rin na magkakakonek. Anyway, sa “Buy Now, Die Later” presscon namin nakatsikahan si Alex, as usual sumakit na naman ang tiyan ng press sa katatawa dahil sa mga pinagsasagot nito.
For the nth time ay muling kinumusta ang lovelife ng dalaga dahil blooming siya ngayon. Inamin ni Alex na may nagpapasaya na ngayon sa kanya pero hindi pa niya puwedeng i-reveal ang identity ng guy dahil gusto niyang sa ikalawang libro niya ito mabasa ng lahat.
Apat na buwan nang exclusively dating si Alex at ang lucky guy kaya ang tanong ay ano ang pakiramdam niya na mayroon na siyang masasabing special someone? “Mabulaklak siya,” tumatawang sabi ng dalaga.
Pero kahit na anong pilit namin ay ayaw talagang sabihin ni Alex kung sino ang special someone niya dahil, “Non-showbiz siya. Ayoko munang sabihin kasi private silang tao, e. Ang estado ng relasyon namin, namumulaklak siya.
Sabi ko nga sa kanya, ‘Kiss now, tayo na lang later,” sabay tawa na naman ng dalaga. Common friends daw ang naging daan kaya sila nagkakilala ng guy. Kaya ang sunod na tanong namin kung sila na ba? “Hindi pa, pero magpapakasal na kami, joke lang,” birong sabi ng dalaga.
Nag-asawa lang si Toni, nagdyowa na siya? “E, kailangan na natin siyang (Toni) palitan sa buhay ko. Pag may nawawala, may pumapalit.” Mukhang boto naman daw ang ate niya sa kanyang ka-date, “Gusto naman ni ate kasi minsan ginagawa niyang driver, nagpapasundo, service vehicle kasi ‘yung dala-dala niya (Chinese guy).”
Sa tanong kung guwapo ba ang guy, “Okay lang, sapat lang sa akin. Ipapakilala ko siya sa takdang panahon.” Tinanong namin kung ano ang profession ng lalaki, “Ano siya, professional,” tumawang sagot ng dalaga.
“Actually, nag-aaral ulit siya, kumukuha ng Law sa Ateneo, 2nd course na niya ito,” ani Alex. Sa pagre-research namin, tapos na pala ng kursong BS Psychology ang guy at purong Chinese ito at may family business.
Komento namin, hindi na dugyot ang kanyang mystery guy, “Oo naman, isa lang naman ang nagustuhan kong dugyot. Ha-hahaha! Ano ba, tigilan mo na ako!” natawang saway niya sa amin.
After ng presscon ng “Buy Now Die Later” ay nalaman namin na ang binabanggit ni Alex ay si Carlo Chungunco. Sa kanyang Facebook account ay ang litrato nila ni Alex ang nakalagay sa profile pic kaya naniniwala kaming magdyowa na ang dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.