Ate Vi ipinagmalaki ang engrandeng 2015 Ala Eh! Festival sa Batangas
Pinamunuan ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ang pagsisimula ng Ala Eh! Festival kahapon sa Santo Tomas bilang bahagi pa rin ng 434th Founding Anniversary ng Lalawigan ng Batangas.
Ang week-long celebration ay si-nimulan ng isang Fun Run na sinundan ng Eucharistic Celebration, pagbubukas ng trade fair, agri fair, photo contest and exhibt, lantern parade, street party and music festival at Globe night.
Isang drum and lyre competition naman ang mapapanood ngayong araw at kinabukasan, Dis. 3, magkakaroon ng LGU (Local Go-vernment Unit) night. Sa Dec. 4 ay merong TM Astig Bingo na susundan ng grand coronation night ng Mutya ng Batangas.
Sa Dec. 6 ng isang downhill competition naman ang kailangan abangan ng mga Batangueño at mga turista. Ang pinakamaningning at makulay na gabi ay magaganap sa Dis. 7 kung saan matutunghayan ang VSR (Voices, Songs & Rhythms) Grand Finals ng magagaling na mag-aawit mula sa iba’t ibang bayan ng Batangas.
Maraming invited na kilalang singers and performers upang maging bahagi ng contest. Sa huling araw ng festival, Dec. 8, sisimulan ito ng isang Eucharistic Celebration, festival dance competition and awarding at closing ceremonies.
Siyempre pa, engrande ang 2015 Ala Eh Festival lalo na’t ang taong ito ng huling termino ni Gov. Vilma bilang gobernadora ng lalawigan. Katuwang niya sa okasyong ito si Sto. Tomas Mayor Edna Sanchez.
Sa message/invitation ni Gov. Vi, ito na ang magiging pinakamasaya, pinakamagulay at pinaka-engrandeng Ala Eh! Festival, “Mamiyesta na dine sa Batangas! All here. So near!” paanyaya pa ng Star For All Seasons sa madlang pipol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.