Bagong GF ni Sam nagpakita sa ‘The Milby Way’ | Bandera

Bagong GF ni Sam nagpakita sa ‘The Milby Way’

Reggee Bonoan |December 01,2015
facebook
share this

Bagong GF ni Sam nagpakita sa ‘The Milby Way’

Reggee Bonoan - December 01, 2015 - 03:00 AM

MARI JASMINE AT SAM MILBY

MARI JASMINE AT SAM MILBY

TAGUMPAY bossing Ervin ang mga taong nag-abang sa mystery girl ni Sam Milby sa katatapos lang na “The Milby Way 10th Year Anniversary Concert” sa KIA Theater noong Sabado ng gabi. Namataan kasi doon si Maria Jazmine ang rumored GF ni Sam.

Kinse minutos bago nagsimula ang show dumating ang special girl ni Sam at dahil commercial at print ad model kaya maraming nakakakilala sa kanya sa venue, dito rin namin siya kinunan ng litrato habang nakatayo sa lobby ng venue.

Napakaganda sa personal ng dalaga at napakasimple sa suot niyang black spaghetti blouse, black leggings at boots.

Pagkatapos ng show ay natanong si Sam tungkol sa kanyang mystery girl pero ayaw pa rin nitong magsabi kung ano talaga ang real score sa kanila, “Ayoko pa. It’s too early. The things that been coming out, they’re all assumptions, kasi walang galing sa akin,” sabi ng Rockoustic Heartthrob.

Hindi rin kami sinagot ni Sam nang tanungin namin tungkol kay Jazmine sa pamamagitan ng text message kaya binati na lang namin siya dahil maganda at successful ang kanyang concert.

Sulit ang mga bumili ng ticket para sa “The Milby Way” at sulit din ang paghihintay ng mga supporter ng singer-actor dahil matagal nga siyang hindi nagka-concert.

Pagpasok pa lang namin sa loob ng KIA Theater ay napa-‘Wow’ na kami agad dahil ang ganda ng disenyo ng stage na pawang scaffoldings na elevated at doon nakapuwesto ang banda, sa unang palapag ang musical director, sa ikalawang palapag, ang gitarista/base na katapat naman sa kanang bahagi ang keyboardist, at sa ikatlong palapag nakapuwesto ang back-up singers.

Para ngang foreign artist ang magko-concert sa venue at nang lumabas na si Sam sa stage, para naming napanood si Adam Levine ng Maroon 5 minus the tattoo. At dahil 10 years na si Sam sa showbiz ay may 10 bagay na ibinuking ang mga kaibigan niya na pinangunahan ni Bea Alonzo.

Sabi ng movie queen ng kanyang henerasyon, “Si Sam Milby, napakabait na taong nakilala ko sa showbiz at maski na siya ang lalaki sa grupo namin kapag may show kami sa ibang bansa at pinakamatanda, it turned out na siya ang baby boy sa grupo lalo na kapag naglalambing, nakakaloka! At heto pa, hindi mo iisipin na ang guwapu-guwapo, pero pag umutot, ang baho grabe!” Grabe ang tawanan ng audience!

In fairness, pumayag si Sam na sumayaw ng sexy kasama ang G Force’s Femmes (Bad Romance) na talagang pinalakpakan nang todo dahil unang beses itong ginawa ng singer-actor. Guest din ni Sam si Yeng Constantino, nag-duet sila sa awiting “Thinking Out Loud/I’m Not The Only One.”

Isa pa sa surprise guest ni Sam sa concert ay si Anne Curtis na naging ka-loveteam niya on and off camera. Napakaganda nang pagpapakilala ni Sam sa dating karelasyon, “My 10 years wouldn’t be complete without her!” Sabi naman ni Anne, “I’m so proud! Happy 10th anniversary! I’m happy that somehow I was part of those 10 years.”

Bago kumanta ang dalawa ay ibinuking ni Sam na si Anne raw ang pumili ng kakantahin nilang dalawa, ang “Hello” ni Adele ang binanatan ni Anne habang ang “Hello” naman ni Lionel Ritchie ang kinanta ni Sam. Pagkatapos nilang mag-perform ay mahigpit na nagyakap ang dalawa ngunit agad na nagsabi ang aktor-singer na huwag itong lagyan ng malisya dahil magkaibigan na lang sila talaga.

Sa isang production number ni Sam kung saan kinanta niya “The Hills” ng The Weekend kasama ang G Force ay nagsirku-sirko ang binata na akala mo’y nagwo-work out at talagang hiyawan ang lahat dahil sa mga pandesal nito sa katawan. Pigil-hininga ang lahat nang bumaligtad si Sam habang ang mga paa lang niya ang nakakapit sa tubo.

Naki-join din sa 10th anniversary concert ni Sam sina KZ Tandingan, Kyla at Angeline Quinto, sina Rayver Cruz, Enchong, Gerald Anderson at John Prats na nagpakitang-gilas naman sa pagsasayaw.

Hindi rin nagpatalbog si Piolo Pascual na nakipag-duet din kay Sam.

Pinasalamatan ni Sam ang lahat ng taong naging parte ng 10 taon niya sa showbiz, kabilag na sina Laurenti Dyogi ng Pinoy Big Brother, Erickson Raymundo, ang manager niya sa Cornerstone Talent Management, Star Creatives at Star Cinema, at ang Dreamscape ni Deo Endrinal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging emosyonal naman si Sam nang pasalamatan ang kanyang pamilya lalo na ang daddy niya (81 years old na) na first time siyang mapanood on stage. Sabi ni Sam sa kanyang ama, “I hope I make you proud.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending