Concert ng Upgrade boyband lalaban sa 'From The Top" ni Sarah | Bandera

Concert ng Upgrade boyband lalaban sa ‘From The Top” ni Sarah

Reggee Bonoan - November 30, 2015 - 02:00 AM

Upgrade

Nakakatuwa naman ang boy band na alaga ng katotong John Fontanilla, ang Upgrade dahil nasa 80% na pala ang nabibiling ticket sa first major concert nilang “Unstoppable” na gaganapin sa Music Museum sa Biyernes, Dec. 4.

Ito ang masayang ibinalita sa amin ni Adele Albano, isa sa producer ng “The Big One” benefit concert ng Philippine Red Cross, Rizal Chapter sa KIA Theater noong Sabado ng gabi at nabanggit niyang sold out ang nasabing show na ginanap sa Ynares Sports Arena, Kapitolyo Pasig City noong Nob. 27.

Magka-partner ang Philippine Red Cross Rizal Chapter at Aqueous Events sa “The Big One” na inabot daw hanggang 1:30 a.m. dahil sa rami ng artists na nakiisa sa nasabing fundraising project.

“Super thank you po sa lahat ng write-ups dahil malaking tulong ito sa The Big One concert, sana sa mga susunod pang project ng Aqueous, suportahan nyo rin,” sabi ni Adele sa amin.

Ang susunod na project ng Aqueous Event ay ang first major concert nga ng Upgrade sa Music Museum. Punumpuno ng lakas ng loob ang grupong ito dahil hindi sila nagpakabog kay Sarah Geronimo na may concert din sa Dec. 4 sa Araneta Coliseum na may titulong “From The Top.”

Katwiran sa amin ni Adele, “Magkaiba naman ang genre ng Upgrade at ni Sarah G, more on bagets naman itong boy band at saka nasa 80% na po ang tickets selling namin. May ilang days pa, so most probably baka ma-sold out na.”

Oo nga, saksi kami sa dami ng supporters ng Upgrade dahil sa nakaraang presscon nila ay maraming fans ang pumunta para makita sila up close and prrsonal. Unang napanood ang Upgrade sa Walang Tulugan ni Kuya Germs at simula noon ay sunud-sunod na ang offers sa grupo na kinabibilangan nina Casey Martinez, Armond, Ron Galang, Miggy San Pablo, Rhem Enjavi, Mark Baracael, Ivan at Raymond Tay.

In fairness, marami ng awards ang Upgrade gayung 2012 lang nabuo ang grupo – nandiyan ang Asian Achievers Award 2012 bilang Outstanding Filipino Boyband; People’s Choice Award 2012 Outstanding Young Performing Group; 32nd Annual Family Entertainment Award 2012 Promising Boyband; Who’s Who in the Philippines Outstanding Pinoy Achiever Awardee Outstanding Boyband at People’s Choice Award 2013, Internet Phenomenal Sensation at Oustanding Boyband; Dangal ng Bayan 2013 Boy Band of the Year; Gawad Musika Best Boyband of the year at 34th Seal of Excellence Awards, Outstanding Boy Band 2015.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending