Kalat na: Kathryn matagal nang umalis sa INC kaya inendorso si Mar | Bandera

Kalat na: Kathryn matagal nang umalis sa INC kaya inendorso si Mar

Ervin Santiago - November 29, 2015 - 02:00 AM

daniel padilla

Isang netizen ang nag-post sa social media tungkol sa diumano’y pagtiwalag ni Kathryn Bernardo sa Iglesia Ni Cristo kaya raw napapayag na itong i-endorse si Mar Roxas para sa 2016 presidential race.

Kinontra nito ang lumabas na balitang may basbas daw ng INC ang pagsuporta ng Teen Queen kay Mar, wala raw itong katotohanan ayon sa nasabing netizen na diumano’y isang INC minister.

Hindi raw totoong nagpaalam si Kathryn sa INC para iendorso ang kandidatura ni Mar, sariling desisyon daw ito ng dalaga at walang kinalaman ang Iglesia Ni Cristo sa isyung ito.

Wala rin daw naganap na meeting sa pagitan ng mga INC executives at sa pamilya ng Kathryn tulad ng napapabalita. Ayon sa nasabing netizen, matagal na raw wala sa INC ang ka-loveteam ni Daniel Padilla na hayagan na rin ang pagsuporta sa kandidatura ng mister ni Korina Sanchez.

Ilang patunay dito ay ang pagsusuot ng dalaga ng Mrs. Santa Claus outfit at ng kuwintas na may crucifix pendant. Samantala, mariing pinabulaanan ng kampo ni Mar Roxas na binayaran nila ng milyun-milyon sina Kathryn at Daniel para lang iendorso ang dating kalihim ng DILG.

Huwag naman daw sanang kuwestiyunin ang paninindigan ng dalawang bagets pagdating sa isyu ng politika. Suportado naman ng KathNiel fans ang naging desisyon ng Teen King & Queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending