’OK lang na umalis si Elmo sa GMA hindi siya kawalan!’ | Bandera

’OK lang na umalis si Elmo sa GMA hindi siya kawalan!’

Reggee Bonoan |November 29,2015
facebook
share this

’OK lang na umalis si Elmo sa GMA hindi siya kawalan!’

Reggee Bonoan - November 29, 2015 - 02:00 AM

elmo magalona1

Mukhang hindi feel ng mga taga-GMA 7 si Elmo Magalona dahil nu’ng binanggit namin na lumipat na sa ABS-CBN ang aktor at may project kaagad kasama si Janella Salvador na Born For You ay kaagad nag-react ang kausap namin.

“Keri lang na umalis na siya, hindi rin naman siya kawalan, hindi rin naman siya nakatulong, hirap kasi niya katrabaho, ang daming arte sa katawan, maraming bawal, mahirap silang ka-deal,” sabi ng source.
Hmmmm, may hugot? Ha-hahahaha!

Sabi ulit sa amin, “Buti naman nagpalaki na siya ng katawan kasi hindi naman siya kaguwapuhan, ordinaryo lang naman siya, at least ngayon malaki na katawan niya puwede na siyang mag-topless sa bago niyang project.”

Anyway, kung trulili na mahirap katrabaho si Elmo ay sure kaming hindi pupuwede sa ABS-CBN ang ganitong ugali lalo’t napunta siya sa Dreamscape Entertainment na sobrang disiplinado ang mga artista.

Yes bossing Ervin, ganito kahusay humawak ng artista ang unit ni Deo Endrinal kasama ang buong staff niya kaya halos lahat ng stars ay gusto siyang makatrabaho dahil gumagaling talaga sila sa akting.

Kaya malaking challenge ito kay Elmo na kung petiks lang siya noon sa GMA 7, e, pagbutihin niya ang trabaho niya sa ABS-CBN dahil baka matabunan siya ng mga magagaling na young actor sa Dos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending