Dyowa ni Cristine hiyang-hiya sa naging interview ng ‘GGV’
Tawang-tawa kami sa Gandang Gabi Vice episode noong Linggo, ginisa kasi nang husto ni Vice Ganda ang guests niyang sina Cristine Reyes at ang future husband nitong si Ali Khatibi.
Dahil walang censorship sa mga tanong at sagot ay nalaman ng publiko kung anong klaseng relasyon mayroon sina Cristine at Ali na nagsasama na ngayon sa iisang bubong. Hindi lang inaasahan ni Ali na pati ang pri-badong buhay nila sa loob ng kuwarto ay naikuwento ni Cristine.
Tinanong kasi ni Vice kung ano ang unang hinahawakan o ginagawa ni Ali pagkagising sa umaga at ang sagot kaagad ng aktres ay ang boxer shorts nito. Reading between the lines ay obviously, nakahubad matulog si Ali kaya nagkatawanan sina Vice at AA (palayaw ni Cristine).
Parang napikon pa nga si Ali dahil nag-iba bigla ang mukha nito sabay sabing, “Love, grabe ka. Sa ‘yo yata ako dapat matakot hindi kay Vice!” Napag-usapan din ang tungkol sa sex at iba pang perso-nal na ginagawa nina Ali at AA.
At para makaganti ay ibinuking naman ni Cristine na may paboritong kinakanta si Vice noong kabataan niya at inihahandog niya ito sa isang babaeng super crush niya. Imagine, si Vice nagkagusto pala noon sa babae, bossing Ervin.
Iniba naman ni Vice ang usapan nu’ng tanungin ni AA kung ano ang name ng girl at kung may komunikasyon pa sila hanggang sa ipakita na sa screen ang binabanggit na crush ng TV host-actor.
Lukang-luka si Vice at si-nabing tigilan na raw ang isyu dahil nakakahiya at may asawa na nga ‘yung girl. At the same time ay inamin ni Vice na ‘yung girl daw ang pinakamaganda sa lugar nila noon na ang pangalan ay Becky.
Mas lalong naloka si Vice dahil biglang sumulpot sa stage si Becky kaya wala siyang nagawa kundi ibeso ang girl. Kaya tinanong namin si Vice kung napikon ba siya kay AA? “Close naman kami kaya good vibes lang. Ha-hahaha!”
At sa pagsulpot ng dati niyang crush, “Ha-hahaha! Kalurks! Muntik akong mabaon sa lupa!” tumatawang sabi ni Vice. Anyway, kamakailan ay nagpahayag na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa plano nitong pagtakbong pangulo sa 2016 kaya tinanong namin siya kung tuloy pa rin ang pagsuporta niya rito, “Ako’y nagmumuni-muni pa, wala pa talaga akong final decision.”
How true na nilapitan siya ni Mar Roxas para suportahan ang kandidatura nito sa 2016, sagot ng TV host-comedian, “I met up with him, pero wala namang commitments, casual na usap lang.”
Sa tanong kung ano ang masasabi niya kay Mar sa naganap na pag-uusap nila, ito rin ba ang dahilan kaya nagmumuni-muni pa siya ngayon? “Type ko rin naman si Duterte, pero wala naman akong sinabing with finality na siya na ang iboboto ko.
Type ko rin naman sina Mar at Grace (Poe). Pero wala akong pinagkomitan kahit kanino sa kanila. Kailangang pag-isipang mabuti.” Sino naman sa mga kumakandidatong Vice President ang type niya? “Dalawa ang type ko, eh. Pero di pa rin sure,” mabilis nitong sagot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.