Kris ipinagtanggol ang motibo ng APEC: Kikita tayo ng bilyones | Bandera

Kris ipinagtanggol ang motibo ng APEC: Kikita tayo ng bilyones

Reggee Bonoan - November 21, 2015 - 02:00 AM

kris aquino

Sinagot ni Kris Aquino ang komento ng isang netizen na kumukuwestiyon sa pagdaraos sa bansa ng APEC.  Sa isang litratong ipinost ni Kris sa kanyang Instagram account sa ginanap na APEC dinner sa MOA Arena noong Huwebes, may nag-post ng mensahe at nagsabing sana raw ay may magandang bunga ang APEC sa Pilipinas para hindi mawalan ng saysay ang naranasang pagod at hirap ng ilang Pinoy.

Dagdag pa nito, bakit daw kailangang magkaroon pa ng APEC para maging malinis ang Metro Manila at ang trapiko sa EDSA. Bakit daw hindi ipakita ng adminstrasyon ni Pangulong Noynoy ang tunay na kalagayan ng bansa para iyon ang pagtuunan ng mga APEC leaders sa pagtulong sa Pilipinas.

Mahaba ang naging sagot ni Kris sa himutok ng nasabing netizen. Ayon sa Queen of All Media, mas maraming Pilipino ang makikinabang kung dito idaraos ang APEC at bilyong-bil-yong kita ang ipapasok nito sa bansa.

Narito ang IG post ni Kris, “We don’t live in isolation–we live in a world that needs defense treaties, and trade agreements, and a world where at any given time there are 3 million documented Filipinos working abroad & the IT-BPO industry now employs more than 1 million of our countrymen here in the Philippines & income would be in the US$20 billion dollar range by 2016.

I can debate w/ you at length on this but unfortunately I need to be up at 7 AM for our APEC SPOUSES’ cultural presentation & luncheon. Until then- sleep muna tayo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending